Friday , November 15 2024

To my favorite first two teachers… maraming salamat po

HAPPY teachers day po sa inyo sir and ma’am. Maraming salamat po sa inyong lahat. Sa magagandang asal at marami pa na inyong matiyagang itinuro sa amin.

Kayong mga guro ay maituturing na isa sa bayani sa aming buhay kaya kami’y narito ngayon sa kinaroroonan namin. Ngayon naman, mga anak na namin o apo ang inyong mga inaalalayan o inihuhubog.

Tunay kayong regalo sa amin ng Panginoong Diyos.

Mabuhay ang mga teacher!

Sino-sino ba ang aking mga naging guro mula elementary at high school sa St. Paul University Tuguegarao City at sa college naman sa St Louis University Baguio City at Tuguegarao City?

Hindi ko na kayang pangalanan silang lahat bagamat, isa sa hindi ko makalimutan noon ay si Sister Dina (hindi ko na maalala ang kanyang apelyido) – religion subject.

Ang hindi ko lang makalimutan kay Sister, hindi ang patungkol sa lesson kundi kaugnay ito sa pagtatapos ng aming batch 1978 sa St Paul “elementary.”

Sa graduation practice namin, ako at ang klasmeyt kong si Wesley Cruz (namayapa na siya – sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa) ay masyadong maingay o makulit noon. Kaya, ang ginawa ni Sister Dina bilang parusa sa amin dalawa ay inilipat ng upuan o puwesto. Inilagay kami sa huli.

Ang Danguilan ko ay tila naging Zanguilan habang ang Cruz naman ni Wesley ay Zruz. Gets n’yo.

Hayun, kaya sa araw ng pagtatapos, nagulat ang aming magulang dahil nasa huli kami o hindi nasunod ang alphabetical arrangement ng martsa.

Ha ha ha! Naturalmente, nagalit ang aming magulang.

****

My first teachers… ito ang tunay na guro ko at talagang hindi ko malilimutan. Kung hindi sa kanya, marahil ay wala ako ngayon sa narating kong tagumpay. Siya ang matiyagang humubog sa akin, simula nang ako’y kanyang isilang.

Siya ang unang nagturo sa akin para makapagsalita o bigkasin ang mga simpleng unang salita. Simula pagsilang… pagod man siya galing trabaho, batid kong hindi niya tinatantanan ang pagturo sa aking para bigkasin ang unang salita ko ”mama.”

Nang matuto, batid kong tuwang-tuwa ang una kong titser kaya hindi man nila nabanggit ito sa inyong lingkod noon, batid ko ang tuwa ni ma’am dahil ramdam ko rin ito sa dalawa kong anak, sina AA at Tea.

Matapos ang mama ay “daddy” naman… pagkaraan, batid kong sumunod na ang salitang “manong” (kuya) at “manang” (ate). Siyempre, nandiyan na rin ang salitang “milk” at iba pa.

Pagkaraan din ng lahat, sumunod na ang spelling… dog, pig, God, cat, at iba pang three-letter words. Oo, ang lahat ay ginawa ng aking first teacher bilang paghahanda sa pagpasok ko sa kindergarten.

Siyempre, naging katuwang ng aking first teacher o first ma’am ang aking first “sir.” Silang dalawa ang matiyagang humubog sa akin para maging handa sa haharapin kong kinabukasan.

Ngayon, narito ako ngayon sa aking kinaroronan dahil sa dalawa kong first teachers. Gusto ninyong malaman kung sino silangdalawa?

Ang aking pinakamamahal na nanay, MELANIA BACUD-DANGUILAN at CONSTANTE BARIUAN DANGUILAN.

Maraming salamat sa inyo mommy at daddy.

Salamat po Panginoon sa dalawa kong kauna-unahang guro kung hindi sa kanilang tamang paghubog, marahil hindi ko alam kung nasaan ako ngayon.

At ang tamang paghubog nila sa inyong lingkod ngayon ang siyang ginagawa ko ngayon sa dalawa kong anak. Sinisiguro kong maging tama akong guro “sir” sa dalawa kong anak, katuwang ang kauna-unahan rin nilang “ma’am.”

Muli, salamat sa dalawa kong kauna-unahang titser. Mahal na mahal ko kayo.

Happy teachers day!

AKSYON AGAD
ni Almar Dangulan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *