Saturday , November 16 2024

Isnilon Hapilon, Omar Maute nasa Marawi pa

NASA loob pa ng war zone ang natitira sa Maute brothers at si Isnilon Hapilon, nanguna sa ilan buwan nang pagkubkob sa Marawi City, pagkompirma ng militar nitong Lunes.

Napag-alaman, lagpas na ang militar sa itinakdang October 1 deadline para tapusin ang kaguluhan sa nabanggit na lungsod.

Ang sinagip na mga bihag ay nagbigay ng “consistent information” hinggil sa kinaroroonan nina Omarkkhayam Maute at Hapilon, pahayag ni Col. Edgard Arevalo, public affairs chief ng Armed Forces.

“Mabuti po ang impormas-yon na iyan sapagkat ito po ang maibibigay sa atin ng pagkaka-taon sa lokasyon kung saan sila naroroon ngayon ay ma-neutra-lize na po natin ang mga leader upang hindi na sila muling makapaghasik ng kaguluhan,” ayon kay Arevalo.

Kabilang sa naroroon pa sa battle zone, ayon kay Arevalo, ang 50 rebel forces, kasama ng ilang mga bihag na pinupuwersang lumaban kasama ng mga bandido.

Magugunitang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, inaasahan ang “liberation” ng lakeside town, ngunit humingi ng extension ng deadline ang mga tropa ng gobyerno.

“Bagama’t we have attained significant gains in terms of our military operation, marami pa rin po tayong hinaharap na hamon na kailangan pa nating magawa para finally, pwede na nating masabi na tapos na ang krisis sa Marawi at pwede na nating umpisahan ang recons-truction at rehabilitation,” aniya pa.



About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *