MUNTIK na palang mag-ampon ng baby si Boy Abunda. Katunayan, inayos na nito ang adoption paper ng bata pero biglang nagbago ang ihip ng hangin dahil umatras ang King of Talk.
Inamin nitong gusto niya ang mga bata at mahal niya ang mga bata kaya lang napagtanto niyang malaki ang mababago sa kanyang life style lalo na at sobra siyang abala sa kanyang gawain.
“I decided not to and just enjoy my time, life alone. My life is full of work at katunayan, naisip ko na ano ang magiging feeling kung magkakaroon ako ng isang buwang bakasyon na walang istorbo dahil sa klase ng work ko, kailangan ko talaga ng pahinga,” kuwento nito.
Sa katayuan ni Boy ngayon sa TV industry, hindi siya exempted to the rule dahil noong nasa Borongan, Samar pa siya, naging object din siya ng bullying. “Yes, I was bullied. May isang lugar sa amin na sa tuwing dumadaan ako ay sinisigawan ako ng ‘bakla’ kaya napagsabihan ako ng nanay ko na bakit hindi ako marunong lumaban. Pero ngayon, naisip ko na running is my best weapon kasi kapag tumatakbo ako, para akong diwata na hindi ako nakikita at naririning.”
May naalaala siya na isa sa mga nag-bully sa kanya noon ay naging judge sa Metro Manila pero ngayon, naging miserable judge na ito. Natatandaan nito noong nasa seminaryo pa sila ay binigyan niya ito ng pagkain. “I used the Mandela rule of leadership by neutralizing the rival is to charm him and my way of charming them was to prepare sandwiches and feed them.”STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu
Dagdag pa, “There was a time in my life na sumagi sa aking isipan na sana makasalubong ko sila at sana mabigyan ko sila ng isang linya lang na parang paghihiganti. I must admit that human as I am, today I am grateful and learned to forgive people and I’ve learned to forgive myself. There was a plan para maka-bonding ang mga old friend way back in Borongan, Samar but it did not push through.”
Katatapos lang ng It’s Like This book launch ng King of Talk last September 24 sa Atrium ng Shangri-La Shaw Boulevard but it was not the usual Abunda we used to watched on his TV show that afternoon but Dr Eugenio R. Abunda, Jr. because listening him talked, we felt like inside his classroom for a Philosophy subject. Happy to note, katatapos lang ng kanyang book launch ay may kasunod na agad libro ready for printing na naglalaman ng kanyang doctoral graduation speeches at handa na rin ang ikatlo na tungkol sa talent management.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu