Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, ayaw maintriga kaya ‘di inimbita si Kris sa kanyang kasal

IMBITADO man o hindi ni Ai Ai delas Alas ang dating matalik na kaibigan sa bakuran ng ABS-CBN na si Kris Aquino, hindi isyu sa Comedy Queen at hindi natin siya masisisi lalo na ‘yung nakaaalam sa kuwento ng dalawa na ang Queen of All Media ang may pagkukulang.  

Oo nga’t nagkaayos ang dalawa, hindi na nanumbalik sa rati ang kanilang pagkakaibigan. Kaya lang marami pa rin ang nangungulit, kung imbitado ba talaga si Kris sa nalalapit na pagpapakasal ni Ai-Ai kay Gerald Sibayan.

“Importante sa akin ang araw na ‘yun, kaya sana huwag nang intrigahin.

“Sana isaalang-alang at igalang nila ang feelings ko. Mas pipiliin ko na huwag sagutin ang mga intriguing question dahil kahit ano pa ang isasagot ko, siguradong may sasabihin ang haters at bashers. Sabi nga, ‘There’s always peace in silence. A meaningful silence is always better than meaningless words’,” paiwas na sagot ng Kapuso Comedy Queen. 

Samantala, sa panayam naman kay Boy Abunda na ‘Ama’ ang tawag ni Ai-Ai, masaya nitong nasabi na, “I’m happy, it’s a celebration of love. Ako ang ninong, ako ay bahagi ng kasal. Everybody who celebrates love and everybody who want to put it in a ceremony that makes it permanent, I have total respect for her,” masaya nitong litanya.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …