ARESTADO sa mga pulis ang siyam kabataan at nakompiska ang mahigit 500 plastic sachet at 200 gramo ng hinimay na marijuana sa loob ng isang hotel sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay MPD Station 1 commander, Supt. Jay Dimaandal, dakong 4:00 am, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Team (SDET), na pinamumunuan ni C/Insp Gilbert Cruz, at Smokey Mountain PCP, kaugnay sa ilang kahinahinalang kalalakihang nag-check in sa isang mini hotel sa R-10, Vitas, Tondo.
Agad nagresponde ang pinagsanib puwersa ng SDET at SM PCP, sa room 402 ng hotel at tumambad sa kanila ang nakasusulasok na makapal na usok mula sa ma-rijuana.
Naaktohan nila habang nagre-repack ng marijuana ang arestadong mga suspek na sina Patrick Joaban, 22; Fred Mar Borja, 24; Albert Estrada; Oneng Basa; John Mark Magat; Timothy Naceno; Maypearl Lorenzo; Marlon de Asis, 32; at alyas Syder, 17, pawang mga residente ng Tondo.
Ayon kay Sarhento Michael Banaag, team leader ng SDET, tinata-yang 570 sachet ng ma-rijuana, 180 grams dry leaves at 100 gramo ng marijuana stem o stalk, P60,000 ang halaga, ang nakompiska ng mga awtoridad.
Napag-alaman, dalawa sa mga suspek ay graduating student ng Philippine College of Criminology (PCCR).
(BRIAN GEM BILASANO)