NAPIGILAN ang sampung lalaki sa pagpasok sa Gate 6 ng Camp Agui-naldo makaraan makitang may mga baril, nitong Lunes ng madaling-araw.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office chief, Col. Edgard Arevalo, dinampot ang mga miyembro ng Southeast Asia Collective Defense Treaty bunsod nang ipinaiiral na election gun ban.
Papunta umano sa opisina ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga armadong lalaki para magpasa ng accre-ditation ngunit nabatid na wala pala silang appointment.
Kabilang sa mga ina-resto si Daniel Pagalang at siyam niyang mga kasama.
Nakuha sa kanila ang dalawang homemade caliber .45, tatlong 9-millimeter na baril, 47 piraso ng mga bala para sa 9-millimeter at 26 bala para sa caliber .45.
Dinala ang mga armadong lalaki sa Quezon City Police District Station 8.