Thursday , December 26 2024

NBI pinuri ng PCSO kontra ‘jueteng’ (PNP laging malamya)

KUNG lalamya-lamya ang Philippine National Police (PNP) sa pagsusulong ng giyera kontra jueteng, iba naman ang effort ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa dalawang ahensiya ng law enforcement, ang PNP ang may tinatanggap na bahagi o porsiyento sa kinikita ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Small Town Lottery (STL) at iba pang laro nito.

Pero ang NBI, nada, as in wala kahit kusing silang natatanggap mula sa PCSO.

Pero nang humingi ng saklolo ang PCSO na sugpuin ang illegal gambling lalo na ang pumuputok na Peryahan ng Bayan, ang NBI ang may positibong responde.

Ang PNP?! Deadma!

E bakit ba deadma ang PNP kontra jueteng PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa.

Isang halimbawa rito, ang pagsalakay ng NBI Central Visayas sa anim na estasyon ng pasugalan ng ilegal na ‘Peryahan ng Bayan’ sa Cebu at Mandaue City na anim na kolektor at maintainer ang natimbog.

Ayon kay PCSO chairman Jose Jorge Corpuz, ang naturang tagumpay na operasyon ng NBI ay mahalaga at inspiring na pag-unlad alinsunod sa Executive Order No. 13 ng Pangulong Rodrigo Duterte, na nagpapalawak sa paglaban ng pamahalaan laban sa ilegal na sugal sa bansa.

Nagpasalamat din ang PCSO sa kanilang Authorized Agent Corporations (AACs) dahil sila mismo ay nakikiisa sa paglilinis ng ilegal na sugal sa bansa.

Kung nagsusumbong ang mga AAC mismo, ibig sabihin wala silang ilegal na transaksiyon. Hindi gaya ng kalakaran noong mga nakaraang administrasyon na ang gambling lord ay nagrerehistro ng maraming kompanya at nag-a-apply bilang AAC.

Kapag naaprubahan sila, magbubukas kunwari ng mga legal na betting station pero ang ibang kobrador at kabo nila pinalalarga pala para sa ilegal na jueteng gamit ang sistema ng STL.

Ang resulta nito, maliit ang kita ng PCSO pero nagkakamal ang gambling lords.

Pero sa kasalukuyan, ang AAC mismo ang nagsusumbong at nagpapahuli ng mga illegal gambling operators, malinaw na seryoso sila sa kanilang pagnenegosyo.

Gaya ng First Golden Fortune Leisure Inc. at Saturn Gaming N’ Amusement Corporation, parehong AAC ng PCSO, isinumbong nila sa NBI Regional Office sa Central Visayas ang patuloy na operasyon ng ilegal na Peryahan ng Bayan na itinabi pa mismo sa kanilang lehitimong STL sub-stations.

Mabuhay kayo NBI Central Visayas Regional Office!

“We also appreciate the prompt action taken on the request of our AAC in Cebu to abate the illegal operations of Peryahan ng Bayan in the same area,” ani Corpuz.

Ang anim na naaresto ay mga empleyado ng Globaltech Mobile Online Corp., na iginiit pa umano na mayroon silang PCSO approval.

Pero ayon mismo kay Corpuz, ang “Peryahan ng Bayan” ay patuloy na nagpapatakbo sa ilang mga lugar sa Central Visayas kahit tinapos na ng PCSO ang Deed of Authority (DOA) noong nakaraang taon dahil sa kanilang paulit-ulit na pagtangging sumunod sa mga tuntunin ng DOA.

Ipinaliwanag ni PCSO General Manager Alexander Balutan na pinahintulutan ng PCSO ang mga bagong manlalaro ng STL upang madagdagan ang pondo ng gobyerno para sa mga kawanggawang serbisyo ng ahensiya, ngunit apektado ang kita ng kanilang mga AAC at nagdurusa dahil sa patuloy na operasyon ng ilegal na sugal, tulad ng Peryahan ng Bayan.

“After one year in the PCSO, we now know illegal gambling can be stopped, but the Philippine National Police should do their job, especially since they have a share in the revenues of the PCSO,” ang sabi ni Balutan.

Aniya nakakukuha ang PNP ng 2.5 porsiyento bilang bahagi mula sa kita ng PCSO partikular sa kita ng STL ngunit hindi pa sila nakaaaresto ng mga ‘bigtime’ operator ng ilegal na sugal.

By the way, nagsampa na ang NBI Regional Office Acting Regional Director Patricio Bernales Jr., ng kaso sa anim na naaresto na mga empleyado ng Globaltech sa paglabag sa Presidential Decree 1602 kaugnay sa Republic Act 9287.

Mabuhay kayo Chairman Corpuz and GM Alex Balutan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap





About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *