PATAY ang isang 59-anyos opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa loob ng kanyang bakuran sa Tanauan, Batangas, habang hindi umabot nang buhay ang isang Chinese national sa San Juan de Dios Hospital makaraan pagbabarilin ng limang naka-motorsiklong mga suspek sa Pasay City, nitong madaling-araw ng Linggo, sa unang araw na pagpapatupad ng Philippine National Police (PNP) sa Comelec total gun ban sa buong bansa.
Ayon sa ulat ng pu-lisya, naglilinis ng kanyang kotse si Fernando Landicho, assistant district engineer ng DPWH Carmona, Cavite, nang lapitan at pagbabarilin ng gunman.
Makaraan ang krimen, umangkas ang gunman sa motorsiklo ng naghihintay na kasabwat at sumibat patungong Talisay, Batangas.
Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa insidente.
Samantala, ang biktimang si Zhizhu Wu, Chinese national, taga-Binondo, Maynila, ay pinagbabaril ng limang naka-motorsiklo habang lulan ng kanyang SUV sa EDSA extension-Roxas Boulevard sa Pasay City.
Batay sa salaysay ng saksi na si Arjay Parcon kay SPO2 Dennis Desa-lisa, nakita niya na may ibinabang kasama ang biktima sa northbound lane ng EDSA extension at kitang-kita niya kung paano pinagbabaril ng mga suspek si Wu.
Ngunit bago ang pamamaril, narinig ni Parcon na nag-usap muna ang mga suspek at biktima tungkol sa pera bago nila pinagbabaril si Wu.
Tadtad ng tama ng bala sa katawan ang biktima, na nagresulta sa kanyang pagkamatay.
Tadtad din ng tama ng bala ang minamanehong SUV ni Wu na may plakang ZPB 297.
HATAW News Team
TANDEM TIKLO
SA COMELEC
CHECKPOINT
ARESTADO ang riding-in-tandem sa Rodriguez, Rizal nitong Linggo, sa unang araw nang pagpapatupad ng nationwide gun ban at checkpoints ng Commission on Elections (Comelec).
Nagkasa ng gun ban at mga checkpoint ang Comelec bilang pagha-handa sa barangay at Sangguniang Kabataan elections sa 23 Oktubre.
Sakay ng motorsiklo ang mga suspek na sina William Datiles at Rodrigo Bautista nang parahin sila sa Comelec checkpoint, ayon kay Rodri-guez police chief, Supt. Hector Grujaldo.
Ngunit imbes huminto, dumiretso ang mga suspek kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang abutan sa harap ng Rodriguez police station sa E. Rodriguez Highway.
Nakuha kina Datiles at Bautista ang isang 9 mm pistol, mga bala, tatlong pakete ng shabu at sari-saring drug paraphernalia.