Friday , November 15 2024

Political will, kailangan vs mga anak ng jueteng

MAGANDA ang layunin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para mapalaki ang kita sa pinalawak na Small Town Lottery (STL) ngunit tiyak mabibigo ang layunin kung may ilang tiwaling opisyal ng Philippine National Police (PNP) at lokal na opisyal na tumatanggap ng payola mula sa jueteng.

Mismong si PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz ang nagsabing mahigit 30 porsiyentong potensiyal na kita ng STL ang nawawala dahil sa kangaroo jueteng na nakaaapekto sa dapat i-remit ng Authorized Agent Corporations (AACs).

Ngunit isang malaking problema ng PCSO na kabilang sa AACs ay kilalang gambling lords kaya sila rin ang nagpapatakbo ng jueteng. Pangunahing halimbawa sina Guiguinto, Bulacan Mayor Ambrosio  Cruz; Pampanga Gov. Lilia Pineda na asawa ng kilalang gambling lord na si Bong Pineda at Ilocos Sur Governor Ryan Singson na anak naman ng kilalang jueteng lord na si dating gobernador Luis “Chavit” Singson.

i Corpuz na kilala sa alyas “Kopong” noong patpating hepe pa siya ng Meycauayan sa Bulacan na lungsod nga-yon. Kilala siyang tapat sa kanyang tungkulin noon pero nang maitalaga sa PCSO ay marami siyang mistah na pumasok sa larangan ng jueteng kaya nagkaroon siya ng masamang impresyon.

Kaya nga ang panawagan ni PCSO General Manager Alexander Balutan ay kumilos si PNP Chief Director General Ronald dela Rosa laban sa jueteng na batid naman ng lahat na ginagamit na front ang legal na STL. Nangako si Dela Rosa na pakikilusin ang mga pulis laban sa jueteng pero sa Bulacan pa lamang na kontrolado ni Cruz kasabwat ang ilang retiradong opisyal ng PNP, nagkalat sa kalye ang mga kobrador ng jueteng na may identification cards pa ng STL.

Ganyan din ang sitwasyon sa Pampanga na kaharian ni Bong Pineda at sa tobacco country na La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte at Abra na hawak naman ng mga Singson. Nanggugulo naman sa buong Cebu ang kilalang masiao lord na boxing promoter na si Wakee Salud kaya nagrereklamo ang AACs roon. Matindi rin ang operasyon ni Charlie “Atong” Ang sa pamamagitan ng kanyang jai alai sa Cagayan na ang resulta ay ginagamit sa jueteng sa maraming pa-nig ng bansa, lalo sa Bicol Region. At sino ang gagalaw kay Boy Jalandoni sa Negros Islands at iba pang bahagi ng Kabisayaan?

Kung may matrix laban sa ilegal na droga, dapat magkaroon din ng matrix laban sa mga ilegal na sugal si Pangulong Rodrigo Duterte dahil ito ang lalong nagpapahirap sa hikahos na mamamayan. Pero kataka-taka kung bakit tahimik ang PNP laban sa jueteng gayon din ang mga mamamahayag halimbawa sa Bulacan at Pampanga.

Mapatutunayan lamang nina Corpuz at Balutan na wala silang kinalaman sa mga gambling lord kung hihilingin nila sa PNP at National Bureau of Investigation (NBI) na arestohin ang mga gambling lord na nagpapatakbo sa jueteng gamit ang STL. Suntok man ito sa buwan, mas ma-inam na personal nilang hilingin kay Duterte na totoong umaksiyon ang mga alagad ng batas  laban sa jueteng lalo ang “sobrang tahimik” na si Dela Rosa.

ABOT-SIPAT
ni Ariel Dim Borlongan



About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *