PANSAMANTALANG inalis sa puwesto ang 49 tripulante ng BRP Malvar habang iniimbestigahan ang pagkamatay ng da-lawang Vitnamese na ilegal umanong nangingisda sa dagat na sakop ng Bolinao, Pangasinan.
Ito’y habang iniimbestigahan kung nagmalabis ang mga tripulante sa paggamit ng puwersa habang hinahabol ang fishing vessel ng mga dayuhan.
Ayon sa ulat ng Philippine Navy, namataan ng barkong BRP Malvar nitong Sabado, 23 Setyembre, ang isang Vietnamese fishing vessel sa dagat na sakop ng Bolinao.
Tinangkang makipag-ugnayan sa radyo ng mga miyembro ng Philippine Navy sa mga nasa fishing vessel.
Ngunit tumakas umano ang sasakyang pandagat kaya hinabol ng Philippine Navy. Nagpakawala rin sila ng warning shot.
Nang maabutan ang fishing vessel, tumambad sa Philippine Navy ang bangkay ng dalawang Vietnamese.
Kinompiska sa mga dayuhan ang ilang ilegal na kagamitan sa pangi-ngisda.
Samantala, tiniyak ng Malacañang na na-kikipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa embahada ng Vietnam ukol sa im-bestigasyon.
Nangako rin ang DFA na magsasagawa sila ng masusing imbestigasyon sa insidente.