Monday , November 18 2024
rape

Dalagita ginahasa sa loob ng 29-araw ng lalaking tinulungan

INAKALA ng 15-anyos dalagita sa Minnesota na magiging maganda ang sukli sa kanyang pagtulong sa isang binata ngunit ang napala ay sapilitan siyang dinala sa isang liblib na lugar bago ginahasa nang halos isang buwan ng lalaking dumukot sa kanya.

Umabot sa 29 araw na ikinulong ang biktima sa loob ng isang closet habang nakatali ang mga kamay at paa ng zip ties. Nagawa lang ng dalagitang makalag ang pagkakatali sa kanya para makatakas at lumangoy sa lawa para makaligtas sa kanyang rapist na may kasama pang dalawang lalaki na gumahasa rin sa kanya.

Sa detalyeng ibinigay ng biktima sa mga awtoridad makaraang makatakas, sinabi niyang may pagkakataong nanlaban siya sa mga gumahasa sa kanya ngunit pinarusahan siya, kabilang ang pagtatangkang lunurin siya sa bathtub at ibitin siya sa leeg gamit ang isang nylon cord.

Ilang linggo makalipas ang kanyang kalbaryo, kumatok ang mga pulis sa pintuan ng mobile home kung saan siya kinulong para imbestigahan ang report ng pagnanakaw, ngunit walang sumagot sa kanila.

Kasunod nito’y inilagay ang biktima sa isang duffel bag, isinakay sa likuran ng isang truck bago inilipat sa isang abandonadong tahanan.

Nakatakas ang dalagita matapos iwan siya ng tatlong lalaki sa rural, western Minnesota para bumili ng pizza.

Nabitag ng mga Minnesota police ang mga gumahasa sa biktima na kinilalang sina Thomas Barker, 32, ng Carlos, Minnesota, Steven Powers, 20, ng Benson, at Joshua Holby, 31, ng Carlos. Kinasuhan sina Barker at Powers ng kidnapping, criminal sexual conduct at false imprisonment habang inihain laban kay Holby ay kidnapping lang at false imprisonment.

Batay sa criminal complaint ng dalagita, dinukot siya ni Barker mula sa kanyang tahanan sa Alexandria, may 133 milya (214 kilometro) ang layo sa hilagang kanluran ng Minneapolis, noong 8 Agosto.

Hinimok na pasamahin ng lalaki ang dalagita dahil may problema umano sa kanyang anak at dahil kaibigan ng kanyang ama kaya pumayag ang babae.

ni Tracy Cabrera



About Tracy Cabrera

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *