Saturday , November 16 2024

Suspek sa Atio hazing slay ‘nagparamdam’

NAGPADALA si Antonio Trangia, isa sa tatlong suspek sa hazing na ikinamatay ni University of Santo Tomas (UST) freshman law student Horatio Tomas “Atio” Castillo III, ng surrender feelers sa mga awtoridad, pahayag ng Manila Police District (MPD) nitong Linggo.

Si Trangia, miyembro ng Aegis Jvris fraternity, ang may-ari ng sasakyan na ginamit sa paghahatid kay Castillo sa Chinese General Hospital, makaraan ang hazing noong 16 Setyembre.

“He sent feelers already to facilitate his surrender and even the surrender of the vehicle,” pahayag ni MPD chief Senior Supt. Joel Coronel.

“Hopefully, within the day until tomorrow, before the Senate hearing, he’ll be appearing here to clarify his participation or involvement. Otherwise, he is still considered a principal suspect.”

Ang anak ni Trangia, si Ralph, opisyal ng Aegis Jvris Fraternity, kabilang sa itinuturing na primary suspect sa pagkamatay ni Castillo, ay nakalipad na patungo sa Chicago, USA.

Sinabi ni Coronel, ang ina ni Ralph ay maaaring humarap sa kaso kapag napatunayang tinulungan niya ang kanyang anak na makaalis ng bansa.

Si John Paul Solano, ang pangatlong suspek, ay sumuko sa mga awtoridad.

Magugunitang si Solano, ang gumawa ng ‘kuwentong’ natagpuan niya ang duguang katawan ni Castillo sa Tondo, Maynila, makaraan ang hazing rites ng Aegis Jvris Fraternity nitong nakaraang linggo.

Kalaunan, siya ay itinuring na suspek dahil sa sertipikasyon at kopya ng CCTV ng barangay na nakasasakop sa lugar na ‘peke’ ang kanyang testimonya.

PAMILYA CASTILLO
TINANGKANG SINDAKIN

NAGPADALA ng mga tauhan ang pulisya sa burol ng hazing victim na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III, makaraan ang hinihinalang pagtatangkang sindakin ang kanyang pamilya, ayon kay Migs Zubiri.

“Noong isang araw, may dumating ditong ‘di nila kilala, parang sina-psychological ano si Tito, ‘yung tatay ni Atio… Sinabihan siya na medyo siga, ang dating na ‘E ano, anong plano n’yo na ‘yun?” sabi sa mga reporter ni Zubiri, kaibigan ng pamilya Castillo.

Ayon kay Zubiri, balak sana ng pamilya Castillo na kumuha ng security agency, ngunit humingi na lang sila ng tulong kay Director General Ronald Dela Rosa, hepe ng Philippine National Police.

“Kaagad-agad nagpadala siya (Dela Rosa) ng pulis dito, plainclothes na policemen. In cases like this kasi, ‘di mo maiiwasan na may mapikon din sa ‘yo,” ani Zubiri.

“Siyempre although biktima ang pamilya ni Atio, ang problema ang kaaway nila medyo influential, ma-impluwensiya. So we have to be cautious at all times.”

SOLANO ‘KAKANTA’
SA SENATE PROBE

ILALAHAD ng pangunahing suspek sa pagkamatay ni Horacio Tomas “Atio” Castillo III sa initiation rites ng isang fraternity, ang lahat ng kanyang nalalaman hinggil sa insidente, sa isasagawang imbestigasyon sa Senado ngayon, pahayag ni Senador Panfilo Lacson nitong Linggo.

Sinabi ni Lacson, ibubunyag ni John Paul Solano, miyembro ng Aegis Juris Fraternity, ang kanyang nalalaman hinggil sa insidente ng hazing, sa Manila Police District (MPD).

“Hindi lang bukas, kundi maging sa MPD. Sinabi niya na baka sa formal investigation na lang ako magbigay ng detalye,” dagdag ni Lacson.

Ikinonsidera si Solano bilang pangunahing suspek sa pagkamatay ni Atio dahil sa pagbibigay ng mga maling impormasyon sa pulisya gaya ng kung saan at paano niya natagpuan si Atio.

Nitong Biyernes, sumuko si Solano kay Lacson, na siyang nagdala sa kanya sa MPD.

Gayonman, sinabi ni Lacson, wala pang sinasabi sa kanya si Solano hinggil sa insidente.

“Ayaw niyang magbigay ng detalye. Ang sinasabi niya magbibigay na lang siya ng detalye pagharap niya sa formal investigation.”



About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *