Saturday , November 16 2024

Solano, mag-ama primary suspects sa Atio hazing case


IKINASA ng pulisya ang manhunt operation sa tatlong itinuturing na primary suspects sa karumal-dumal na pagkamatay ni Horacio “Atio” Castillo, ang 22-anyos freshman law student sa University of Sto. Tomas (UST) na inatake sa puso dahil sa labis na pagpapahirap sa hazing nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ang tatlong suspek na sina John Paul Solano, at ang mag-amang sina Antonio Trangia at Ralph Trangia.

Naunang iginiit ni Solano sa kanyang affidavit na hindi niya kilala ang biktima nang dalhin niya sa Chinese General Hospital (CGH).

Kaugnay nito, naglabas ang pamunuan ng MPD ng dalawang CCTV video na nagpapakita na kasama ni Solano ang biktima habang lumalabas sa Gate 11 ng UST, dakong 11:45 ng umaga at habang naglalakad sa Dapitan St., sa likod ng UST compound, isang araw bago natagpuang patay ang biktima.

Inilabas rin ng pulisya ang isang retrato na nakasuot si Solano ng T-shirt na may tatak ng Aegis Juris Fraternity.

Ayon kay MPD Chief Gen. Joel Napoleon Coronel, ang mga ebidensiyang ito ay nagpapatunay na nagbigay ng maling pahayag si Solano sa MPD upang ilihis ang imbestigasyon ng pulisya at mapagtakpan ang posibleng kaso ng pagpatay sa biktima.

Samantala, lumabas sa imbestigasyon ng pu-lisya na ang sasakyang ginamit ni Solano upang dalhin ang biktima sa ospital ay isang pulang Mitsubushi Strada na may plakang ZTV 539 at nakarehistro sa pangalan ni Antonio, ama ni Ralph na napag-alamang opisyal ng Aegis Juris Fraternity.

Ayon kay Coronel, ang ginawang pagsuspendi ng dean ng College of Law ng UST sa lahat ng miyembro ng Aegis Juris Fraternity ang dahilan kung kaya’t hindi nila mahanap ang iba pang miyembro ng fraternity.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang kaso kaya’t hindi pa nila mailalabas ang iba pang impormasyong may kaugnayan dito.

(LOVELY ANGELES)

Sa hazing deaths
FRAT MEMBERS
INILAGAY NG DOJ
SA LOOKOUT LIST

ISINAILALIM ng Department of Justice (DoJ) nitong Miyerkoles, ang 16 miyembro ng Aegis Juris fraternity sa immigration lookout bulletin order bunsod ng pagkakasangkot sa ha-zing death ng law freshman ng University of Santo Tomas (UST) na si Horacio Tomas Castillo III.

Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, ang paglalagay sa lookout bulletin sa mga miyembro ng fraternity ay upang matiyak na ang itinuturing na “persons of interest” ay mananatili sa hurisdiksiyon ng DoJ habang iniimbestigahan ang kaso.
Sa nasabing lookout bulletin ay inatasan ang immigration officers na matyagan ang mga miyembro ng nabanggit na fraterntiy kapag dumaan sa immigration counters.

Gayonman, hindi nito pinipigilan ang mga nabanggit sa pag-alis ng bansa.

Kabilang sa isinaialim sa lookout bulletin sina Arvin Balag, Mhin Wei Chan, Marc Anthony Ventura, Axel Munro Hipe, Oliver John Audrey Ono-fre, Joshua Joriel Macabili, Jason Adolfo Robinos, Ralph Trangia, Ranie Rafael Santiago, Danielle Hans Mattew Rodrigo, Carl Mattew Villanueva, Aeron Salientes, Marcelino Bagtang, Zimon Padro, Jose Miguel Salamat, at John Paul Solano.

NAGPASAKLOLO
KAY ZUBIRI

NAKATAKDANG imbestigahan ng Senado ang karumal-dumal na pag-kamatay ni Horacio Tomas “Atio” Castillo III, isang freshman law student sa University of Santo Tomas, dahil sa ha-zing bilang welcome rites sa Aegis Juris fraternity.
Humingi ng saklolo ang pamilya Castillo kay Senador Juan Miguel Zubiri kaugnay ng insidente ng pagkamatay ng batang nangarap maging presidente ng bansa.

Inihain nina Zubiri at Senador Paolo Benigno Aquino IV ang Senate Resolution 504 at 510, nananawagan ng imbestigasyon sa kaso ni Atio.

Sa privilege speech kahapon ni Zubiri, kaklase ng ama ni Atio na si Horacio Jr., kinondena niya ang brutal na pagkamatay ng biktima.

Ang kapatid na babae ni Atio na si Nicolle, at tiyahin na si Rita, ay dumalo sa sesyon para makinig sa privilege speech ng senador.

Labis ang pagdada-lamhati ng pamilya Cas-tillo sa pagkamatay ni Atio, ang miyembro ng pamilyang kinakitaan ng katangian gaya ng kanilang ninunong sina Dr. Jose Rizal at Hen. Miguel Malvar.

Ang lola ni Atio na si Teresita Malvar Castillo, ay apo ni Soledad Alonzo Rizal Quintero, bunsong kapatid ni Dr. Jose Rizal.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *