Saturday , November 16 2024

‘Amok’ sa MPD HQ nasakote sa New Manila, QC

SINABI ng abogado ng suspek na si Arvin Tan, kinukuhaan ng mug shot, matapos masakote ng mga operatiba ng Manila Police District – General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) sa kanyang tahanan sa New Manila, Quezon City, na mayroong diperensiya sa pag-iisip ang kanyang kliyente. Makikita sa larawan si Tan kasama ang broadcaster/columnist na si Mon Tulfo at ang kanyang kotse na may sticker ng Presidential Security Group (PSG) sa windshield. (Kuha ni IVEL JOHN SANTOS, grab mula sa Facebook Account ni Tan at sa video clip ni Bianca Dava ng GMA7)

HINDI natapos ang maghapon, naaresto ang lalaking napaulat na tumangging magpakilala nang sitahin habang pa-tagong kinukuhaan ng video ang Uber driver na inutusang maghatid ng mga gamit ng namatay na hazing victim na si UST freshman law student Horacio Tomas “Atio” Castillo III sa kanilang bahay sa Makati City, kahapon.

Dakong 5:00 pm, dinala sa Manila Police District – General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) si Arvin Tan matapos maaresto sa kanilang tahahan sa New Manila, Quezon City.


Ayon kay MPD GAIS head, Chief Insp. Joselito de Ocampo, si Tan ay nahaharap sa patong-patong na kasong resistance and disobedience to lawful authority, grave threat, alarm and scandal, anti-littering, direct assault, unjust vexation, usurpation of authority at malicious mischief (da-mage to property).

Kahapon, dakong 2:00 am, nagtungo sa MPD Homicide Section si Tan upang magreklamo ukol sa umano’y panunutok ng baril ng isang pulis sa kaniya.

“May reklamo mula sa MPD Sta. Mesa (PS8) station dahil sa inasta niya sa mga pulis noong nagresponde sila para arestohin siya [Tan],” ani GAIS chief De Ocampo.

Ang reklamo laban kay Tan ay mula sa mga parokyano ng isang spa sa isang lugar sa Maynila.

Pinagbubuksan umano ni Tan ang mga pinto ng cubicle sa mga spa.

Nang magresponde ang mga elemento ng PS8, tumangging paaresto sa mga pulis si Tan saka tumakas nang mabilis.

Hanggang magtungo sa MPD headquarters na nahuli siyang patagong kumukuha ng video.

Sinundan si Tan ng mga taga-media at mga pulis ngunit imbes makipag-usap nang maayos, pinaatras-abante niya ang kanyang kotse na may nakadikit na sticker ng Presidential Security Group (PSG) sa harap, na nakasagi at nakasakit ng mga miyembro ng media.

Nang makaimbuwelta paharap sa United Nations Ave., binangga ang gate MPD headquarters saka kumaliwa paharurot patungong Nagtahan Bridge habang hinahabol ng camera ang plaka na may nakalagay na Fede-ralism at putok ng baril ng mga pulis.

Samantala, ayon sa abogado ng suspek na si Atty. Donnarence Masilungan-Jalmasco, ang suspek ay mayroon umanong mental health condition at maaring iyon ang dahilan ng pagiging aligaga niya.

Ang suspek at ang kaniyang ina ay tumangging magpaunlak ng interbyu.

Pinabulaanan ng abogado ni Tan, ang isyu na may kaugnayan umano ang pagkuha ng video ng suspek sa Uber driver na naghatid ng mga gamit ni Atio sa kanilang tahanan sa Makati City.

Aniya, nagulat siya na ikinokonekta sa kaso ng pagkamatay ni Castillo ang pagkuha ng video ng suspek.

(IVEL JOHN M. SANTOS)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *