Saturday , November 16 2024

3 ‘persons of interest’ sa hazing victim iisa-isahin ng MPD

TARGET ng Manila Police District (MPD) ang tatlong ‘persons of interest’ na pinaniniwalaang huling nakakita sa namatay na hazing victim na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III matapos atakehin sa puso dahil sa labis na pagpapahirap, nitong Linggo ng umaga.

Una sa listahan ng MPD si John Paul Solano y Sarte, ang lalaking nagpakilalang nagdala sa hazing victim na si Atio sa Chinese General Hospital (CGH) nang makita umano niyang nakabalot sa kumot sa gilid ng kalye sa kanto ng H. Lopez Blvd. at Infanta St., noong Linggo ng umaga.

Ikalawang person of interest ang isang Axel Hipe, binanggit ng pamilya Castillo na hu-ling kausap ni Atio base sa rekord na nakita sa kaniyang cellphone at hinihinalang miyembro rin ng Aegis Juris.

Ikatlo, ang Uber driver na sinabi ng pamilya Castillo na siyang nagdala ng mga gamit ni Atio sa kanilang bahay sa Makati City.

Sinabi kahapon ni MPD PIO chief, Supt. Edgar Margarejo kahapon, naglabas ng certification ang Barangay 133 sa Tondo, Maynila na walang bangkay na itinapon sa nasabing lugar, batay sa kanilang obserbasyon at pagrerepaso sa CCTV.

“Nakakuha na tayo ng certification doon sa nakasasakop na barangay na may hawak ng CCTV at ang certification na iyon ay under oath and verified under barangay officials na wala pong bangkay na ini-dump sa area na iyon,” ani Margarejo.

GRABENG galit ang nararamdaman ng mga magulang ng biktima ng hazing na namatay sa cardiac arrest, si Horacio Tomas Castillo III, na sina Carmina at Horacio Castillo, Jr., habang nasa Arcanghel Funeral Homes para kaunin ang bangkay ng kanilang anak na punong-puno ng pasa at patak ng kandila sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ang batang Castillo ay freshman law student sa University of Sto. Tomas na sinabing dumalo sa ‘welcome rites’ ng Aegis Juris Fraternity, ngunit hindi na nakauwi nang buhay sa kanyang pamilya at natagpuan umanong nakabalot ng kumot sa isang kalsada sa Balut, Tondo, Maynila. (BONG SON)

Sa isang spot report ng pulisya, itinalang nakita ni Solano sa kanto ng H. Lopez Blvd. at Infanta St. sa Balut, Tondo pero hindi ito sinasang-ayonan ng mga opisyal ng barangay.

Ani Margarejo, “So meaning John Paul Solano can now be considered as person of interest.”

Ayon sa impormasyon ng MPD, si Solano talaga ang nagdala kay Atio sa CGH at kanilang hinihintay ang kompirmas-yon mula sa UST kung miyembro ng Aegis Juris si Solano.

“Well siya (Solano) naman talaga ang nagdala sa CGH, ngayon of course subject ng investigation o ang material evidence is the vehicle na ginamit. Kung ang vehicle nga na iyon ay kanino kasi gagawin natin ‘yung record check because as validated by the barangay officials, walang naganap na dumping of any dead body doon sa kanilang area,” ani Supt Margarejo.

Sa sinumpaang pahayag ni Solano, sinabi niyang patungo siya sa San Lazaro Hospital, dahil doon siya nagtatrabaho nang makita niya si Castillo. Pinara umano niya ang isang napadaan na kulay pulang Strada at nagpatulong siya na dalhin si Castillo sa CGH.

Ilang ulit umanong pinanood ang CCTV footages ng Barangay 133 ngunit wala silang nakita na nagpapatunay sa pahayag ni Solano.

Kamakalawa (Lunes) inimbitahan ng MPD si Solano upang hingan ng paglilinaw hingil sa kani-yang testimonya na hindi tumutugma sa pahayag ng opisyal ng barangay ngunit hindi ito dumating.

Sinabi ni Margarejo, kinokontak nila si Solano ngunit hindi sinasagot ang mga tawag.

Dagdag ni Margarejo, sasampahan ng perjury charge si Solano oras na makompleto ang ebidensiya kaugnay ng kaniyang ibinigay na testimonya.

“Definitely his statement is already under oath, we can file appropriate perjury charge against John Paul Solano.”

Bukod kay Solano, may iba pang persons of interest ang MPD base sa nakuhang detalye mula sa UST at sa pamilya ni Castillo.

Isang Axel Hipe, ang binanggit ng pamilya Castillo na huling kumausap umano kay Atio base sa rekord na nakita sa kaniyang telepono at hi-nihinalang miyembro rin ng Aegis Juris at isang Uber driver na siyang nagdala ng mga gamit ni Atio sa kanilang bahay sa Makati City.

ni Alexis Alatiit

ATIO NAKAHIMLAY
SA SANCTUARIO
DE SAN ANTONIO
FORBES PARK

PANSAMANTALANG inihimlay sa Santuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati City ang labi ng hazing victim na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III para sa ilang araw na burol.

Sa ulat, sinabing hi-niling ng pamilya Castillo na maging pribado ang pananatili ni Atio sa Sanctuario bagamat bukas sila sa pakikiramay ng mga kamag-anak, kaibigan ng pamilya at kaklase ni Atio.

Bumuhos ang paki-kiramay sa social media sa pamilya Castillo lalo nang mabatid na si Atio ay isang mahusay, mabait at mabuting mag-aaral ng University of Sto. Tomas (UST)

Nagtapos siya nitong Hunyo ng kursong AB Political Science bilang paghahanda sa pagkuha ng abogasya.

Ayon sa mga magulang ni Atio na sina Horacio Jr., at Carmina, abogasya ang nais ng kanilang anak dahil pangarap niyang maging punong mahistrado ng Korte Suprema o kaya ay maging senador o presidente ng bansa.

Hindi kataka-takang mangarap nang ganito si Atio lalo pa’t ang kanilang angkan (lineage) ay mababakas sa pa-milyang Rizal at Malvar.

Si Amelia Rizal Quintero de Marval, anak ni Soledad Alonso Rizal, kapatid ng pambansang bayani. Kasama ng tiyuhin ni Atio na si Dr. Gerardo M. Castillo si Pangulong Duterte noong Rizal Day, 30 Disyembre 2016

Inspirado siya sa kanyang nunong si Dr. Jose Rizal at Heneral Miguel Malvar.

Ang pamilya ng ama ni Atio ay sinabing direktang inapo ni Soledad Alonzo Rizal, bunsong kapatid ng pambansang bayani, na napangasawa ni Pantaleon Quintero.

Anak nina Soledad at Pantaleon ang lola ng ama ni Atio na si Amelia Rizal Quintero na napangasawa ang anak ni Gen. Miguel Malvar na si Bernabe Malvar.

Sina Amelia at Bernabe Malvar ay magulang ng ina ng ama ni Atio, na si Teresita Malvar Castillo, habang ang kapatid ng kanyang ama na si Dr. Gerardo M. Castillo ay laging kumakatawan sa kanilang pamilya kapag ipinag-diriwang ang Rizal Day at nag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park tuwing 30 Disyembre.

(GMG)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *