Friday , April 18 2025

Gambling problem harapin (Giit ng PCSO sa PNP)

IGINIIT ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine National Police (PNP) na harapin ang problema sa illegal gambling imbes guluhin ang Authorized Agent Corporations (AACs) na binigyan ng awtorisasyon ng PCSO sa operasyon ng Small Town Lottery (STL).

Sinabi ni PCSO General Manager Alexander Balutan, magkakaroon ng magandang resulta ang pagsusumikap ng PNP kung maglulunsad sila ng tunay na mga operasyon laban sa illegal gambling syndicates imbes salakayin ang government-authorized STL operators na nagpapatakbo ng lehitimong negosyo.

“We are aware that STL is being used and abused by some illegal gambling operators to legitimize their business, that they have been using it as a front to cover their illegal operations, that is why we are urging the PNP to do their job to go after these gambling lords who are using PCSO products as cover for their illegal operations,” ayon kay Balutan.

Aniya, dapat arestohin ng PNP at ng National Bureau of Investigation (NBI) ang gambling syndicates na nag-o-operate gamit ang STL, gayondin ang STL collectors na nag-o-operate bilang illegal bookies, at inaakalang hindi sila aarestohin at malaya sa kanilang operasyon sa illegal numbers game na kunwari ay STL sa kanilang area ng mga operasyon.

Ginawa ni Balutan ang pahayag makaraan ireklamo ni Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal sa congressional hearing nitong Miyerkoles, na ang illegal gambling lords ay patuloy na nag-o-operate sa kanyang distrito.

“I’m speaking on what is going on in my province, particularly in my district, so that this will be stopped. This was stopped prior to the granting of authorization of your STL players there but it has now resumed in the guise of STL,” pahayag ni Oaminal sa pagdinig.

Sinabi ni Balutan, dating Marine general na iginugol ang buong military career sa Mindanao, batid niya ang isyung ito at sumang-ayon na ang illegal gambling ay maaaring napigil at naipatigil na noon ng law enforcement agencies, at tiniyak na ipatutupad niya ang batas.

“We will [again] bring this matter to the PNP chief Ronald Dela Rosa and ask them to go after the illegal Swertres operators in Mindanao,” ayon kay Balutan.

Nitong nakaraang taon, pumasok ang PCSO at PNP sa Memorandum of Agreement (MOA), nakasaad ang mga responsibilidad ng pulisya na tumulong sa PCSO sa operasyon ng expanded STL sa pamamagitan ng pagbuwag sa mga sindikato na nag-o-ope-rate ng jueteng, swertres, masiao, at iba pang illegal numbers game sa bansa, at protektahan ang STL.

Iniutos ni Dela Rosa ang pagsugpo sa illegal gambling sa loob ng 15 araw nitong Agosto, ngunit sa kasalukuyan, ang illegal gambling ay patuloy sa paglaganap sa iba’t ibang bahagi ng bansa at mistulang hindi mapigilan.

Muling sinabi ni Balutan na napataas ng PCSO ang bilang ng AACs at pinalaki ang bahagi ng PNP sa kita ng PCSO u-pang makatulong sa pagpapatigil ng ilegal na sugal, at sa prosesong ito, ay mapagbuti ang benepisyo para sa mahihirap na mga Filipino.

Kasabay nito, hiniling niya sa publiko na huwag tangkilikin ang illegal numbers games katulad ng jueteng at iba pang uri ng illegal gambling dahil lalo lamang nitong palulubhain ang korupsiyon sa lipunan.

“Report all the people involved to discourage financiers from continuing with their illegal activities,” sinabi ni Balutan, idinagdag na ang illegal gambling ay lumaganap dahil sa tiwaling mga o-pisyal na sinusuhulan ng gambling lords.

Ipinunto ni Balutan, dinagdagan ng PCSO ang authorized STL operators mula 18 sa 92 upang makatulong na mapataas ang kita para sa charitable health services. Mula sa 92, 72 ang nagsimula na ng operas-yon sa iba’t ibang bahagi ng bansa nitong Agosto.

“STL operations from different parts of the country helped us big time in the increase of our revenues wherein 30 percent of the revenue are being used for the charitable services of the agency, particularly health,” aniya.

Hinikayat ng general manager ang PNP, gayondin ang NBI at mga lokal na opisyal, na makipagtulungan sa pagsugpo ng illegal gambling sa kanilang erya.

“The PCSO will always here to help you in this quest. We will not allow crime lords to use STL as front to make their illegal business appears legal in the eyes of the betting public,” pahayag ni Balutan.

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *