Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Multi-awarded actress, saan nga ba nagtatago?

PINALULUTANG mismo ng isang multi-awarded actress na nagbabakasyon siya ngayon sa malayong bansa dahil nangangamba umano siya sa kanyang buhay.

Kung matatandaan, inireklamo niya ang isang lalaking nambastos umano sa kanya sa isang kilalang bar. Umani naman ng atensiyon at malasakit ang hinaing ng aktres, pero tila wala ring kinahinatnan ang kanyang kaso.

Napag-alaman ng aming source na hindi raw basta-basta ang lalaking sangkot sa umano’y pambabastos sa kanya. Involved daw kasi ito sa isang bagay na kasalukuyang pinupuksa ng lipunan sa ilalim ng kasalukuyang panunungkulan.

Dahil sa takot na resbakan umano ng grupo ng lalaki’y minabuti ng mahusay na aktres na magpalamig muna. Pero duda ng marami, hindi raw sa malayong bansa ito nagtatago para makaiwas sa napipintong kapahamakan kundi sa kalapit lang na lugar sa Asya.

Da who ang nag-iingat lang na aktres na biglang nanahimik sa kasong ipinaglalaban niya? Itago na lang natin siya sa alyas na Rosanna Caparas. 

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …