AMINADO si Maymay Entrata na hindi pa rin siya makapaniwala sa blessings na natatangap niya. Ayon kay Maymay, animo panaginip lang ang lahat ng nangyayari sa kanya ngayon.
“Hindi ko akalain na ibe-bless ako ni Lord, dahil parang panaginip pa rin hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala. Pagkatapos ng dubbing ay iniyak ko na lahat dahil hindi nga ako makapaniwala na may movie na ako. Pero ngayon, ‘di naman po nawawala ‘yung pressure kasi ‘di ba po, lahat makakapanood po ng movie na ito.
“‘Tsaka open naman po kami sa lahat ng comments lalo na po sa co-actors namin, lalo na po sa mga beteranong aktor, talagang gusto namin marinig ‘yung komento nila kung ano ‘yung dapat i-improve sa movie na ito,” ani Maymay.
Dagdag niya, “Dahil alam ko po, alam ninyo po ‘yung feeling na dahil ginawa mo ‘yung best mo, alam mong magiging maganda ‘yung resulta? Dahil sa… hindi lang nag-improve pero dahil sa magandang samahan na nabuo po ng team at dahil sa tulong din po iyon ni Direk Giselle.”
Sa parte ni Edward Barber, ipinahayag niyang sobra siyang kinabahan sa paggawa ng pelikulang ito.
“Doing the movie was probably the scariest thing I’ve ever done. As in, the first day I got on set I was… I remember being in the van with Marco and we were like holding hands, and praying, ‘Tulungan mo kami Lord, kaya natin ito…’ And It’s been the scariest, I’ve never been more tired, I’ve never been more nervous but it’s probably the most satisfying thing I’ve ever done in my life,” nakangiting saad ni Edward.
Ibinuking din ni Maymay na nahirapan silang mag-adjust sa buhay artista lalo sa paggawa ng pelikula. “Noong una po talagang parang nag-ano kami na, ‘Paano ba tayo mag-adjust nito? Ang hirap palang maging artista. Na, ‘Ah, ganoon pala talaga…’ Pero habang tumatagal na hindi kami nag-stop na matuto, mas nae-enjoy namin ang buhay namin ngayon bilang artista,” masayang saad ni Maymay.
Showing na ngayon ang Loving in Tandem na tinatampukan din nina Marco Gallo, Kisses Delavin, at iba pa.
Jemina Sy,
bilib sa galing
ng komedyanteng
si Empoy Marquez
LALONG ginanahan sa kanyang showbiz career si Jemina Sy dahil sa award na natamo bilang Most Promising Indie Actress mula sa Gawad Sining Short Film Festival 2017. Ang natamo niyang award ay para sa Bubog na gumanap siya bilang informer ng mga drug pusher. Ang pelikula ay pinamahalaan ni Direk Arlyn dela Cruz at tinampukan nina Elizabeth Oropesa, Julio Diaz, Juan Rodrigo, Jackie Lou Blanco, Allan Paule, Jak Roberto, at iba pa.
“Happy at flattered ako dahil kahit paano ay napansin ang talent ko kahit bago pa lang ako sa showbiz industry at ibang industy ang kinamulatan ko. Dahil dito, mas ganado akong sumabak sa acting ngayon. Thank you for recognizing my talent as an actress, hahaha!” Nakatawang pahayag niya.
Ano ang reaksiyon niya sa sinabi ni direk Arlyn na mas humuhusay na siya bilang aktres? “Siyempre happy na carry ko na rin talaga siya, considering na wala akong mga workshop naman before ng acting, e, never pa akong nag-workshop sa acting.”
Samantala, ipinahayag din ng lawyer-actress ang kanyang pagkabilib sa komedyanteng si Empoy Marquez. Si Empoy ang bida sa pelikulang The Barker na mula naman sa pamamahala ng veteran-comedian na si Dennis Padilla. “Magaling siya, magaling na komedyante si Empoy. Kasi sa itsura pa lang niya, nakakatawa na talaga. I think si Empoy is one of the rising comedians natin ngayon. I think very promising na rin siya na maging Comedy King of the Philippines.” Aniya.
Parang leading lady ka na rin daw ni Empoy Marquez sa The Barker? Mabilis na sagot ni Atty. Jemina, “Ay hindi ‘no! hahaha! Ang leading lady ni Empoy ay si Shy Carlos. Supporting lang ako rito, ako iyong may-ari ng jeep and brother ko si Gary Lim.
Abangan n’yo ang movie na ito, nakakatuwa kasi talaga siya e, habang nagsu-shooting kami, tawa nang tawa kami, enjoy siya, enjoy katrabaho ang casts at si Direk Dennis.”
Ano ang masasabi mo kay Dennis bilang direktor? “Okay naman siya, magaling siyang director at very professional. Hindi siya mahigpit at ka-vibes ko naman siya, close na kami ni Direk Dennis, e, hahaha!” Nakatawang wika niya.
Ipinahayag niyang espesyal sa kanya ang The Barker dahil ang ilang eksena rito ay sa kanilang tahanan kinunan. “This movie is very special to me, as some scenes were taken in our house. Our home, which was once a favorite location for movies and TV programs decades ago, will be back on the screen after more than 20 years.”
Bukod sa pelikulang Recipe for Love at Immaculada, Pag-ibig Ng Isang Ina, mayroon din siyang radio-TV show na Legally Yours, Jemina sa DZIQ every Saturday, 10:30-11 pm, na posibleng magsimula na ngayong September.
ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio