MAGSASABOG ng takot at lagim sa exciting at thrilling movie ng taon ang mga tinaguriang It Girls ng horror film na sina Sue Ramirez, Miles Ocampo, Jane de Leon, at Channel Morales sa Oktubre 4 handog ng Regal Entertainment Inc..
Ang The Debutantes ay idinirehe ni Prime Cruz na siya ring nagdirehe ng Ang Manananggal sa Unit 23-B. Ito ring pelikulang ito ang magsisilbing biggest break ng limang millennial stars sa big screen.
Iikot ang kuwento ng The Debutantes kay Kate (Sue), friendless at weird-looking na estudyante. Gusto niyang makipaglapit sa kapwa students na sina Lara (Miles), Jenny (Jane), Candice (Michelle), at Shayne (Channel). Subalit bigo siyang makuha ang loob nilang lahat hanggang sa dumating ang puntong madalas siyang ma-bully. Bukod-tanging si Lara ang naging malapit sa kanya.
Naiibang kuwento ng katatakutan ang The Debutantes na swak na swak sa millennials at akmang-akma sa kuwentong bullying sa mga mag-aaral. Forte na ng Regal ang gumawa ng horror films na sakto sa panlasa ng manonoo. Nakilala ang Regal sa Shake, Rattle & Roll franchise at iba pa at ang festival entry nitongHaunted Mansion ukol sa matitigas ang ulo na mga estudyante ay isa sa top grossers. Hit din sa takilya ang last horror flict nitong Pwersa Usog.
Pagdating naman sa feedbacks sa social media ng trailer ng The Debutantes, pawang papuri ang komentong lumabas kaya naman inaabangan na nila ang dalang katatakutan ng Horror It Girls sa Oktubre 4.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio