IKINULONG nang “indefinitely” sa Senado si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon hanggang sa siya ay makipagtulungan sa imbestigasyon ng blue ribbon committe kaugnay sa P6.4 bilyon shabu shipment, ayon kay Senador Richard Gordon nitong Lunes.
Ang desisyon ay nabuo makaraan mag-usap sina Gordon at Faeldon sa opisina ng Senate Sergeant-At-Arms.
Sinabi ni Gordon, na-ngangamba si Faeldon na hindi magiging parehas ang magiging trato sa kanya nina Senators Panfilo Lascon at Antonio Trillanes, kapwa nag-akusa sa kanya ng pagiging sangkot sa korupsiyon sa Bureau of Customs. Nang tanungin kung hanggang kailan ikukustodiya ng Senado si Faeldon, sinabi ni Gordon, ito ay depende sa dalawang bagay. “Until he decides to come over, until the Senate says ‘you may go’.”
“Hindi naman siya nagmamatigas kaya lang sabi niya, ‘yun ang desisyon niya na hindi siya haharap dito,” Gordon.
“He just wasn’t willing to go to the Senate kasi andoon ‘yung dalawa,” dagdag ni Gordon, tumutukoy kina Lacson at Trillanes.
Si Faeldon ay dumating sa Senado dakong hapon, nakasuot ng pu-ting shirt na may nakaimprintang mensaheng “truth is justice.”