Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Promise of Forever, bibigyan ng ibang kahulugan ang walang hanggan

KUNG pagbabasehan ang trailer ng The Promise of Forever na ipalalabas na sa Lunes, September 11, mula sa Dreamscape Entertainmentng ABS-CBN, maganda ang istorya at tiyak na kalulugdan na naman ng televiewers.

Bibigyan ng bagong kahulugan ng The Promise of Forever ang walang hanggan dahil imbes na maging susi sa masayang pagmamahalan, ito ang magiging hadlang para makamtam ng dalawang taong itinakda ang inaasan-asam nilang buhay at pag-ibig.
Gagampanan ni Paulo Avelino (Nicolas) ang lalaking tinaguriang ‘immortal man’. Hindi tumatanda at namamatay kaya naman hangga’t wala pang lunas ang karamdaman, titiyakin niyang hindi siya iibig sa sinuman para hindi masaktan ng paulit-ulit sa pagkamatay ng minamahal. Si Ritz Azul naman si Sophia, ang batang iniligtas niya sa sunog. Dahil sa ikalawang buhay na ibinigay, gagamiting inspirasyon ni Sophia ang lalaking nagligtas sa kanya para magsikap at bigyan ng maayos na kinabukasan ang pamilya.

Ang lalaking hahadlang sa pagmamahalan nina Nicolas at Sophia naman ang gagampanan ni Ejay Falcon, si Philip na nagmamahal din kay Sophia na gagawin ang lahat para mapasakanya ang dalaga.

Kasama rin sa teleseryeng ito sina Tonton Gutierrez, Cherry Pie Picache, Amy Austria, Benjie Paras, Susan Afria, Ynna Asistio, at Nico Antonio. Ito ay mula sa direksiyon nina Darnel Villaflor at Hannah Espia.

Bukod sa magandang istorya ng The Promise of Forever, dadalhin din ang manonood sa magagandang tanawin ng Czech Republic, Belgium, Netherlands, at Poland.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …