Monday , November 18 2024

Papa Ahwel, may pa-medical mission muli sa EPress

NAIS naming ibigay ang espasyong ito sa isang kasamahan sa pamamahayag bagamat magkaiba kami ng himpilan ng radyong pinaglilingkuran.

Ilang taon pa lang namin nakikilala si (Papa) Ahwel Paz. Siya ang partner ng kaibigang Jobert Sucaldito sa kanilang paggabing showbiz radio program.

Bukod sa pagraradyo, nagho-host din ng mga mangilan-ngilang events si Ahwel saABS-CBN. As always, very welcoming siya sa mga dumadalo roon with his genuine warmth and respect.

Isa na kami roon, “Kuya Ronnie” kung tawagin niya kami.

More than a year ago noong matuklasan namin ang mas malalin na pagkatao ni Ahwel. That time, ilang taon na pala niyang pinamamahalaan ang libreng medical mission para sa kanyang mga kabaro.

While most, if not all of us choose to throw lavish birthday parties ay iba kung paano ipagdiwang ni Ahwel ang kanyang kaarawan.

Nasa ikalimang taon na ngayon ang kanyang proyekto billed as I Love My Family M4 (Medical Mission for the Members of the Media).

Sakop nito ang mga kapatid namin sa hanapbuhay mula sa print, broadcast, at online media. Isinasagawa ang M4 sa pakikipagtulungan sa De los Santos Medical Center.

Oo nga naman, the project title is but appropriate. Karamihan kundi man bawat isa sa amin ang tumatayong poste—na kailangang laging matibay at matatag—ng aming mga pamilya.

At kung hindi namin iingatan ang aming kalusugan, paano na lang ang aming mga mahal sa buhay?

Honking his horn for him, isa si Ahwel na mga principal na tumugon sa pangangailangan ng kaibigan at kasamahang si Richard Pinlac nang ma-stroke ito at kinailangang i-confine sa DLSMC noong isang taon (May 17 to be exact).

Hindi pinabayaan ni Ahwel si Richard hanggang makalabas ng nasabing pagamutan.

For sure, abot-abot pa rin ang pasasalamat ng pamilya ni Richard, hindi lang kay Ahwel kundi maging sa lahat ng umagapay sa kanila.

Sa ikalimang taon ng M4, gaganapin ang medical mission ni Ahwel sa darating na Linggo (September 10), mula 6:00 a.m. hanggang tanghali where members of the media can avail of free medical, laboratory and diagnostic services.

Kabilang dito ang comprehensive physical examination para sa complete blood count (CBC), urinalysis, glucose (FBS), uric acid, lipid profile, chest x-ray at ECG. Maaari ring magpakonsulta sa mga dalubhasa sa  ENT, cardio, OB-gyne, at urology.
Mayroon ding libreng refraction na ang unang 50 member ng media ay pagkakalooban ng reading glasses mula sa Ideal Vision.
Mabuhay ka, Papa Ahwel Paz!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *