Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua, kinilig sa pagbati at pagsuporta ni Julia

IBINAHAGI ni Joshua Garcia sa mga invited sa ibinigay na Block Screening na isa si Julia Barretto sa unang bumati sa pagkakapanalo niya sa 33rd PMPC Star Awards For Movies bilang Best New Movie Actor of the Year.

Masayang kuwento ni Joshua, “Actually, nabalitaan niya lang sa social media. So, siya na mismo ‘yung nag-text. Tapos nakita ko na lang nag-post na rin siya, siya ‘yung pinaka-una sa mga bumati sa akin.”

Dagdag pa ni Joshua “Proud siya sa akin na nanalo ako ng award. Sabi niya pa, iyon lang  ’yung simula, mas marami ka pang makukuha.” Sobrang thankful nga  si Joshua kay Julia sa pagbati sa kanya at pagpunta sa victory party niya, “Nag-thank you ako sa kanya na binati niya ako.

“Pagkagaling ko sa PMPC Star Awards, may kainan ng kaunti sa bahay, may pizza, may kaunting salo-salo. Ayun, nandoon siya.”
At sa husay nga nito sa pelikula ay marami ang nagsasabing malaki ang tsansa nitong mag wagi ng Best Actor next year. “Thank you, sobrang overwhelmed ako. Masaya ang puso ko na nakilala nila ako bilang aktor sa pelikula,” pagtatapos ng mabait na binata.

Boobsie
Wonderland,
masayang
nakabalikan
ang asawa

NAGDIWANG ng ika-41st birthday ang mahusay na Komedyanang si Boobsie Wonderland na ginanap noong September 6 sa Kamay Kainan sa West Avenue, Quezon City.

Ito ang unang pagkakataon na nakasama niya muli ang kanyang asawa sa tagal na panahon na nagdiwang siya ng kaarawan. (Maaalalang matagal din silang naghiwalay at ngayon ay muling nagkabalikan). Kaya naman maituturing niyang kompleto na siya kasama ang asawa, anak, at ibang kamag-anak.

“Siyempre masayang-masaya po ako kasi dumating talaga ‘yung mga ini-expect kong tao sa buhay ko.

“Unang-una ‘yung family ko, ‘yung mga close friend ko and ‘yung nga special guest kung tawagin, isang tawag lang, isang lambing lang andyan sila.

“And this is the first time na kasama ko ulit ‘yung husband ko na birthday ko for so many years, and nagpapasalamat ako sa suporta niya.

“And of course ‘yung dalawa naming anak, so kompleto kami ngayon.

“And siyempre hindi lang ‘yun , ang nakatutuwa pa ay hindi mo sila ini-expect na magbibigay ng kung ano man ha ha ha, hindi ini-expect? Ha ha ha,” natatawang pahayag ni Boobsie.

“Marami akong natanggap mula sa mga ninong at ninang ko and thankful ako sa kanila.”

At ang birthday wish ni Boobsie, “Simple lang ‘yung birthday wish ko, good health lang sa akin, sa asawa ko, sa mga anak ko, at sa pamilya ko.

“Sana magpatuloy pa ‘yung magandang career, sana lumawak pa ang aking kaalaman sa pagpapatawa at ‘yung pag-aartista ko na rin kasi hindi pa ako masyadong nabibigyan ng drama puro comedy pa sa ngayon,” pagtatapos ni Boobsie.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …