Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bangkay sa Nueva Ecija hindi si Kulot — PNP

HINDI ang 14-anyos na si Reynaldo de Guzman alyas ‘Kulot’ ang bangkay na natagpuan sa isang sapa sa Gapan, Nueva Ecija, ayon sa Philippine National Police, nitong Lunes.

Ayon sa PNP, hindi nagtugma ang resulta ng DNA test mula sa sample na nakuha sa bangkay at sa mga magulang ng nawawalang binatilyo.

Dagdag ng PNP Crime Lab, 99.99% na tama ang kanilang isinagawang DNA test sa bangkay. Nauna rito, tinukoy ng ama ni De Guzman sa isang morgue na ang kanyang anak nga ang nakita ng mga imbestigador sa Nueva Ecija dahil sa mga marka sa katawan.

Natagpuang tadtad ng saksak sa isang sapa sa Gapan ang bangkay at balot ng packing tape ang mukha.
 
Sa ngayon, hinahanap ng mga pulis si De Guzman at patuloy na tinutukoy kung kaninong bangkay ang natagpuan sa Nueva Ecija.
Pinaniniwalaang kasama ni Carl Angelo Arnaiz si De Guzman nang mawala ang dalawa noong gabi ng 17 Agosto 2017, sa Cainta, Rizal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …