Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong Snow World, bukas na!

BUKAS na ang mas pinaganda, pinalaki, at bagong Snow World sa Star City.

Sa pagkakataong ito, itinatampok sa Snow World ang Animal Kingdom on Ice. Makikita rito ang malalaki at magagandang isda sa karagatan, ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga hayop sa mga kagubatan na lahat ay nakaukit sa yelo.

Iyan ay gawa ng mga iskultor na Filipino na ngayon ay kinikilala na bilang isa sa pinakamahuhusay sa buong mundo pagdating sa ice sculpture.

Kahanga-hanga para sa mga iskultor mula sa isang bansa na wala namang yelo, pero nasanay na sila sa 10 taon ng Snow World, na taon-taon ay hinahangaan ng mga nagtutungo roon. Hindi lang ang magagandang ice carvings, ang Snow World lamang ang kaisa-isang tunay na snow attraction sa buong bansa sa ngayon, at nag-iisa nang indoor snow attraction sa buong Asya. Rito lamang winter ng buong isang taon.

Sa pagkakataong ito, hindi lamang ang ipinagmamalaking pinakamahabang man made ice slide ang nasa Snow World, mayroon na ring bagong “kiddie safe ice slide”, para mapagbigyan ang mga batang hindi pinapayagan sa giant ice slide.

Mas pinalaki rin ang ‘snow play area” na makapaglalaro kayo mismo sa snow. Doon mararanasan ninyo ang lagi nating pinapangarap na “White Christmas” araw-araw sa buong isang taon.

Ang Snow World ay bukas araw-araw mula 4:00 p.m. kung weekdays at mula 2:00 p.m. kung weekends. Ito ay nananatiling number one attraction sa pinakasikat na theme park ngayon sa bansa, ang Star City.

Ang pagdalaw sa Snow World ay isang pambihirang karanasan na roon lamang ninyo masasaksihan sa buong Pilipinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …

Ron Angeles

Ron Angeles bukod tanging tahimik kaugnay ng ‘eskandalo’ 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD tanging si Ron Angeles na lang among the “big four” na nasangkot …

Arron Villaflor

Arron Villaflor nagsalita ukol sa leaked video, nagpakalat kakasuhan

HARD TALKni Pilar Mateo NAGSALITA na sa kanyang Instagram account ang aktor na si Arron Villaflor hinggil sa sinasabing  …

Paulo Avelino Nadine Lustre

Paulo at Nadine magtatambal sa isang malaking proyekto 

MATABILni John Fontanilla AFTER Alden Richards ang Kapamilya actor namang si Paulo Avelino ang makakasama ni Nadine Lustre sa isang malaking …