Thursday , December 26 2024

Ang tongpats sa kalakaran ng bato sa Tondo

MATAGAL na tayong nakatatanggap ng mga sumbong at reklamo ng ilang concerned citizens na residente sa Tondo, Maynila kaugnay sa illegal activities ng ilang personalidad na ayaw pa rin maglubay sa pagbebenta ng ilegal na droga sa kabila ng mas pinaigting na kampanya ni CPNP DG Bato Dela Rosa kontra droga!

Sa kabila ng kaliwa’t kanang drug raids ng pulisya e may nananatili pa ring malakas ang loob na tila may mga sinasandalang pader na hindi matitibag.

Alam naman siguro ng karamihan na A1 info ang ating mga inilalabas na detalye partikular kung pagsisiwalat ng katotohanan kaugnay sa krimen at droga! Sabi nga nila e minsan na rin daw tayong naging daan upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng isang kabaro ninyong matino at anti-drug advocate na pulis-Maynila, dahil sa mga expose ng BULABUGIN, ‘di po ba mga sir!?

Base sa mga sumbong, patuloy ang kalakaran at bentahan ng droga sa mga eskinita mula sa Moriones St., hanggang sa Herbosa St., dahil sa isang tongpats na kinilalang si alias POKLAT na bata-batuta ng isang magaling magpanggap na police awardee?!

Major problem ‘yan!

Putok sa lugar na palarga ito ng isang dating lespu na si alyas BOSS MAY-MAY y balasador na kaanak naman ng isang dati rin pulis-Maynila na BFF ni pekeng police awardee dahil ilang taon niyang naging intelihensiya BAGMAN! Sabi nga ng isang matino at retiradong lespu e ‘yung mga dagang-dingding na nagbebenta ng droga sa lugar ng Tondo ay mula sa pag-aangkat anila sa grupo nina alyas MAY-MAY at POKLAT.

Magaling daw kasi sa diskarte ang tandem na mana sa turo ng amo nilang magaling magpanggap!

Sa umaga hanggang tanghali lamang, visible sa Pacheco, Bangkusay at Herbosa si alias May-may dahil pagdating ng hapon hanggang dis-oras ng gabi ay makikita na raw sa kanilang tarima sa mga sugalan na naglalaro ng pusoy at mah-jong.

Kapag maganda ang salyahan nila ng item/bato na hango mula sa Delpan at Binondo e sa casino naman nagbababad gaya sa Manila Opera House.

Siyempre kasama niya ang amo niyang si Major problem!

Kahit itanong pa ninyo kina sir Rizal at Tata Linis!

Istambayan rin nila ang ilang KTV club at hotel-casino, habang nagpapalamig at naghihintay ng darating na grasya mula naman kay alyas POKLAT na boy-benta cum salya ng droga sa Tondo!

Sonabagan!!!

By the way, lumutang pala sa isang presinto itong isang pekeng police awardee para arborin ang isang nahuling drug suspect na naka-kuwadra kina alias Maymay at Poklat?!

MPD DD Joel Coronel, magtataka ka pa ba kung bakit mayroon pa rin malakas ang loob na magtulak ng shabu sa Tondo!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *