HINDI pinalusot ng Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga kay Rafael Mariano bilang kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Bumoto ang karamihan sa mga miyembro ng CA kontra sa pagkakatalaga kay Mariano, ayon kay Senate Majority leader Vicente “Tito” Sotto III, na namuno sa confirmation hearings.
Hindi bababa sa 13 mambabatas ang bumoto para sa pagbasura ng ad-interim appointment ni Mariano.
Si Mariano ang ikaapat na miyembro ng Gabinete na hindi kinompirma ng Commission on Appointments.
Bago si Mariano, hindi rin kinompirma sina Perfecto Yasay para sa Department of Foreign Affairs, Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources, at Judy Taguiwalo bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development.