PIOLO Pascual is one of the producers responsible for the hit indie movie Kita Kita which starred Alessandra de Rossi and Empoy, now considered as the biggest grossing indie film earning no less than P320 million in the box office.
Hindi pa rin makapaniwala si Piolo sa mainit na pagtanggap ng publiko sa kanilang pelikula.
Bukod sa isa na ngang certified box-office hit, hinangaan din ang tandem nina Empoy at Alessandra.
“Masaya, but in a way it’s scary because ano ang susunod?” he said a bit perturbed. “Nagtatanong ang lahat, pero ‘di ka puwedeng magpadala sa pressure.
“Naka-jackpot tayo, mas maganda rin na i-value natin ‘yung sinabi ng mga tao it’s not about the budget, it’s about the quality of the film. Sobra ‘yung learning in terms of how we put up a content, kasi ‘yung mga tao are more supportive nowadays and watchful sa mga ginagawa mo.” Sa unexpected hit na love team nina Empoy at Alessandra, Piolo believes na marami rin naman talagang magagaling. It’s just a matter of giving them chance to prove their worth.
Ayway, dahil sa unprecedented success ng Kita Kita, nagkaroon na rin ng interes ang ibang artista na mag-produce. Namely, sina Gerald Anderson at Vhong Navarro. “I was talking to Jake and Gerald… Ang sarap lang na when you have not necessarily an ownership but ‘yung project na ginagawa mo, may kasamang investment.
“Hindi lang ng talent mo kung ‘di pati ng pera mo para mas maa-appreciate mo ang ginagawa mo.
“I think ‘yun ang pinakamaganda kong take-away sa isang proyekto kung mag-produce man ang isa sa amin.
“‘Di na kami bumabata and you have to push the envelope kung mayroon ka pa naman na puwedeng ibigay na iba para ‘di magsawa ang audience sa iyo.
“Give them the chance to produce and learn from it.”
Anyway, pinakaaabangan ang movie nina Piolo at Toni Gonzaga na Last Night under Joyce Bernal’s direction.
Si Bela Padilla ang sumulat nito and this a reunion project of Piolo and Toni since Starting Over Again which earned a whopping P410 million at the box office.
“First parang nagwo-worry kami, paano mo ita-top ‘yung last movie namin, ‘di ba?” Piolo averred.
“Masarap ‘yung experience namin especially with Direk Joyce, ‘tapos ang galing pa ng sumulat ng script, artista pa.
“When Tin (Toni) and I read the script, right away we said ‘yes’ and we made sure na kami ang gagawa.”
May changes ba siyang napuna kay Toni?
“All positive naman, all good, reserved pa rin naman si Tin,” he interjected. “Hindi mo naman maalis sa kanya ‘yung pagiging manang, manang talaga ‘yun pero mas daring siya ngayon.
“Mas kilala na niya ang sarili niya, mas sigurado na siya sa ginagawa niya.”
Sa movie pa rin nila, ginulat daw lahat ni Toni ang lahat sa tub scene nila sa Last Night?
Na-excite raw ang mga netizens dahil nag-presume sila na may daring tub scene ang mga karakter nina Piolo at Toni.
Sang-ayon kay Piolo, si Toni talaga ang top choice nila ng producer ng pelikula na si Neil Arce.
No’ng sinabi raw ni Piolo kay Tin na basahin mo, suntok sa buwan daw ‘yun.
Two days later, excited raw na nag-text ito at ‘yun na, nag-shoot na sila.
Apart from this project, Piolo is about to start taping this September 2017 for his teleserye with Arci Muñoz.
Kasama nila rito ang Al-Empoy love team nina Alessandra at Empoy.
IAN VENERACION,
FLATTERED NA
PINAG-AAGAWAN
NINA BEA AT IZA!
Hunk actor Ian Veneracion asseverated that he find’s it ego-boosting when Bea Alonzo and Iza Calzado would quarrel over him in ABS-CBN’s primetime series, A Love To Last. “Minsan niloloko ko lang sila sa set, ‘Girls, girls, chill!’
“Pag nag-aaway sila, ‘yun ang pinaka nae-enjoy ko. Ta’s alam kong ako ‘yung pinag-aawayan nila.
“Nae-enjoy ko talaga ‘yun, ‘Girls, relax. Isa lang ako.’
“So, siyempre sinasampal nila ako sabay rin.” Ian gave that amusing statement at the presscon of A Love To Last’s final five weeks of airing that would highlight their September 8 concert at Kia Theater.
The hunky actor went on to share his innermost thoughts as to who would end up with his character Antonio “Anton” Noble IV.
Bea essays Andrea “Andeng” Agoncillo, the second wife while Iza is Grace Silverio, Anton’s former wife and mother to their three kids, until he asked for an annulment.
Doon daw sa mga taong kumakampi sa asawa, expected na raw ‘yun dahil we are living in a Catholic country at natural lang na gusto nilang ang asawa pa rin ang kanyang makatuluyan.
‘Yung iba naman daw, mas pabor kay Bea.
Bea was asked what if she were in Andeng’s shoes, what would she do?
“Medyo mahirap pong sagutin ‘yan,” averred Bea. “Kasi ‘yung character niyang Andrea, hindi rin
naman niya pinangarap na malagay sa ganitong klaseng sitwasyon.
“Because we all know that it’s not an easy situation.
“Marami kang kailangan tiisin, marami kang kailangan harapin.
“Haharapin mo ‘yun forever kasi meron siyang tatlong anak. Meron siyang ex-wife na ina ng mga anak niya.
“So, mahirap pong sagutin. Ang hirap din magsalita nang tapos, pero sa ngayon, sana huwag.”
Anyway, A Love To Last is now nearing it’s end and is on its last five weeks of airing.
Pakatutukan para malaman kung ano ba talaga ang mangyayari sa mga character sa makulay at interesting na soap na ito.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.