Sunday , December 22 2024

GOCC official bakit winawasak ang PDP Laban?

DAPAT magdalawang-isip si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatalaga sa isang opisyal ng PDP Laban mula sa Mindanao na isinusuka ng mga kapartido lalo sa National Capital Region sa kung ano-anong kabulastugan.

Ipinagmamalaki ng opisyal na bansagan nating “Aladin” ang pagiging kaututang-dila ni House Speaker Pantaleon Alvarez na napaniwala niya nang siraan ang isang kapartido na naunang na-bigyan ng puwesto sa gobyerno. Matagal hinuthutan ni Aladin nang milyon-milyong piso at hiniraman pa ng sasakyan na halos hindi na umandar nang ibalik niya kaya napakatapang ng apog nang siraan kay Alvarez.

Una niyang itsinismis ang opisyal ng PDP Laban na tumanggap ng P1 milyon sa Manila Hotel mula sa Pakistani na kilala lamang sa alyas “Sadik” para maipasok sa gobyerno ang kaibigan nito. Kilala sa integridad ang opisyal kaya galit na galit siya sa paninira sa kanya ni Aladin. May isa pang komisyoner ang inambahang susuntukin si Aladin sa mga kabulastugan nito nang makasalubong sa isang gusali sa Makati City.

Unang naging paksa ng mga blind item itong si Aladin nang hindi mai-liquidate ang mahigit P90 milyong campaign fund na sinabi niyang ginamit sa kampanya noong 2016 elections. Ipinangalandakan niya halimbawa na nagbigay siya ng P700,000.00 para sa mga watcher ng Maynila pero mariing pinabulaanan ito ng babaeng opisyal ng PDP Laban sa nasabing lungsod. Nagalit sa puntong ito si Senate President Aquilino Pimentel III dahil hawak na pala ni Aladin ang campaign budget pero inilihim sa kanya at hanggang ngayon, hindi mai-liquidate ng super corrupt na opisyal ng isang government owned and controlled corporation (GOCC) ang pondo.

Ang masama, napaniwala rin ni Aladin si Alvarez sa tinahi-tahi niyang kasinungalingan para siraan ang isang opisyal ng PDP Laban na napakalaki ng sakripisyo sa partido. At ginamit niya ang pangalan ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Paolo o alyas “Pulong” para sa kanyang smuggling activities sa Bureau of Customs (BOC). May nagkuwento nga na bukod sa bigas, baka nagpuslit din ng ilegal na droga sa ating bansa itong si Aladin.

Marahil, may “alas” si Aladin kina Sen. Koko at Alvarez kaya hinahayaan sa nakahihiya nitong gawain. Madalas din siyang magtambay ngayon sa Kongreso dahil kinuhang consultant ng isang congressman na orihinal na taga-Liberal Party pero tinulungan niya para makatalon at maging opisyal sa PDP Laban Quezon City Chapter.

Kalat na kalat na ang gawain ni Aladin ma-ging sa kanyang mga kababayan sa Mindanao kaya nagbanta ang mga kabataang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na gagawa ng aksiyon para matigil na ang kanyang pagsira sa PDP Laban.

Tumindi ang kanilang galit nang mabatid na noong halalang 2016 ay ‘lihim’ palang sinuportahan ni Aladin ang kandidatura ni dating Vice President Jejemor Binay pero sinunog ang campaign fund na ipinadala sa kanya ng nanalong si Duterte.

Tsk tsk tsk.

ABOT-SIPAT
Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *