INIUTOS ng Sandiganbayan 3rd Division ang pag-aresto sa dating gobernador ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) na si Nur Misuari.
Nahaharap si Misuari sa tatlong bilang ng kasong graft at tatlong bilang ng kasong “malversation of public funds through falsification.”
Matatandaan, inakusahan si Misuari kaugnay sa “textbook scam” o maanomalyang pagbili ng mga kagamitang pang-edukasyon, na P115.2 milyon ang halaga noong 2000 at 2001. Iniutos din ng korte ang pag-isyu ng warrant of arrest laban sa mga dating opisyal ng ARMM Department of Education at mga pribadong indibiduwal na sangkot sa kaso.
Kabilang dito sina Leovigilda Cinches, Pangalian Maniri, Sittie Aisa Usman, Alladin Usi, Nader Macagaan, Cristeta Ramirez, at Lolita Sambeli.
Nais ng korte na magbigay ang prosekusyon ng karagdagang katibayan laban kina Misuari at Usman.
Taon 2004 nang magsumite ng reklamo laban kina Misuari sa Office of the Ombudsman. Natapos ang audit report noong 2007.
Itinatag noong 2013 ang Obudsman panel of investigators bago opisyal na kinasuhan ang mga akusado sa Sandiganbayan nitong 2017.
Kilala si Misuari bilang tagapagtatag ng samahang Moro Islamic Liberation Front.