“IT is something interesting.” Ito ang tinuran ni Shaina Magdayao ukol sa bagong proyektong gagawin niya para kay Direk Lav Diaz na gagampanan niya ang karakter ng isang singer.
“First time kong gagawin ‘yung ganoon and I think first time nilang makakapanood ng something like this. All I wanted is to work with Lav Diaz at ito nga ‘yun,” aniya nang makakuwentuhan namin ito sa finale presscon ng The Better Half.
Apat na taong gulang nang magpakita ng interes sa pagkanta si Shaina. Mismong ang kanyang amang si Daddy Ike ang nagte-train sa kanya dahil pangarap din nitong mapanood ang bunsong anak kasama ang Ate Vina Morales sa isang concert.
At ngayong gaganap siyang singer sa pelikula ni Diaz, natanong ito kung nag-voice lesson siya o nagpraktis. ”Dasal lang ang ginawa ko. Kasi at that time, I was doing ‘The Better Half’, so Monday, Wednesday, Friday, ‘Better Half’ ako and weekends, I fly to Malaysia kasi roon kami nag-shoot, so dasal lang talaga more than the voice lesson at paniniwala na baka naman may nakikita si direk Lav kaya ako ‘yung kinuha niya. Sobrang nahihiya talaga ako.
“And until now, hindi alam ng dad ko (kakanta ako sa movie) na it’s anti musical-musical. And the moment that he hears me sing, naku sobrang matutuwa ‘yun kasi siya talaga ‘yung singer sa amin (dating member ng banda si daddy Ike) and he knows how I hate singing, pero iyon it’s a different experience (for me), even the moviegoers next year,” kuwento pa ng aktres.
“That movie with direk Lav is an anti-musical-musical or a rock opera. It’s really something different and I hate singing, alam mo ‘yan, wala talaga akong confidence, ihagis n’yo na lang ako kasi dancer ako, i-lift-lift n’yo na lang ako, handang-handa ako riyan.
“Wala kasi talaga akong confidence when it comes to singing but doon lumabas ‘yung pagiging artista (singer) kasi noong nasa harapan na ako ng camera, kinakabahan man, nagawa ko naman (kumanta), so the whole film we will be singing pero walang melody,” mahabang kuwento pa ni Shaina.
Samantala, ipagdiriwang ng magkakapatid nina Shaina, Vina, Sheila, at Sheryl ang ika-19 anibersaryo ng negosyo nilang Ystilo Salon mula Setyembre 8-30 kaya naman isang pasasalamat ang handog nila sa tumatangkilik sa negosyo nila mula noon hanggang ngayon. Ito’y sa pamamagitan ng 50 % off sa lahat ng Premium Services at Hair Treatment tulad ng Hair Rebond, Hair Color, Kera Glaze, Aroma Hair, Remedy/Ultrasonic Iron and Keratin Treatment sa lahat ng sangay ng Ystilo Salon.
Itinatag ang Ystilo Salon noong August 8, 1999 nina Vina at Sheila na ang una nilang branch ay sa Fairview, Quezon City. Ang magkapatid ang tumutok sa negosyong ito at kamakailan din lang sumosyo ang bunsong si Shaina.
“So from the very beginning, ‘yung passion nila, they turned it into business kasi nga puro babae kami, so lahat mahilig magpa-hot oil, magpa-masahe, magpa-foot spa. So ‘yung passion nila, ginamit nila iyon and I guess hindi nila in-expect na magbo-boom, pero nu’ng nag-boom, they take the opportunity, they grab the opportunity and nag-aral sila ate ng haircut.
“Oo magaling sila, si ate Sheila ang magaling mag hair-cut, si ate Vina, I’m not so sure kung nag-aral din siya but you know gaya ng lahat ng nangyayari sa mundo ay nage-evolve and one thing na nakikita ko sa Ystilo ay nage-evolve siya.”
Ang vision ng Ystilo ay makapagbigay ng magandang serbisyo sa publiko. ”And our mission is to be the leader in the Salon industry by providing the trendiest and updated hairstyles, providing reasonably priced products and offer excellent customer.”
Umaabot na sa 500 employees ang inaalagaan ng makakapatid na Magdayao at 25 branches na ang company owned. Kasama sa company owned ang sosyo ni Shaina dahil wala na siyang oras kumuha pa ng franchise dahil sa rami ng ginagawa niya sa iba pang personal na negosyo na ayaw na lang ipabanggit ng dalaga.
Sinabi naman ni Sheila, chief operating officer ng Ystilo Salon, may mga franchise silang nagsara na pagkatapos mabawi ang puhunan.
“’Yung iba kasing franchise, naging luma na ‘yung building, o kaya natakpan na ng mga bagong tayong condominium sa harap o kaya ng LRT/MRT at ‘yung iba naging tabi ng palengke, so ‘yung owners, ayaw na nila kaya isinoli na nila sa amin. Good thing nabawi naman nila ‘yung puhunan nila, ROI na.
“On our part, wala naman kaming lugi kasi bago naman din namin i-go ‘yung lugar, na-check na namin personally. Actually kami ang naga-approve ng pagtatayuan ng Ystilo kasi siyempre pag hindi naging maganda, kami naman ang masisisi ng franchisee, masisira ang pangalan naming.”
Sinabi pa ng panganay sa magkakapatid na maraming inquiries na gustong mag-franchise na hindi nila tinanggap dahil for safety and health reason na hindi na binanggit kung ano-ano.
Sa mga gusto namang mag-franchise, maaaring mag-email sa [email protected] o maaring tumawag sa (02)927-7532/445-0222 at 0917-3124208.
JULIAN AT ELLA,
MAG-MU NA
HINDI man direktang inamin nina Julian Trono at Ella Cruz ang tunay na estado ng kanilang relasyon, hindi naman nila ikinaila na posibleng nasa MU stage na nga sila dahil sa pagki-care nila sa isa’t isa.
Sa pocket presscon ng Fangirl, Fanboy na mapapanood na sa September 6 handog ng Viva Films at N2 Productions, sinabi ni Julian na, ”I have a strong feeling for her and having that strong feeling, alam mo, you try to take good care of it. Ang dali lang po kasing ‘okay, eto nararamdaman ko, pareho tayo ng nararamdaman,’ pero paano kung mag-fail, paano kung hindi pa time?”
Sinabi pa ng batang actor na nagsimula ang nararamdaman niya kay Ella early this year of 2017.
Sa kabilang banda, umamin din si Ella na alam niya na may nararamdaman si Julian sa kanya. At para ngang mag-MU na sila.
Iginiit pa ng batang aktres na nagkakaintindihan sila.
“Wala pong label,” paglilinaw ni Ella.
“Hindi, para po mas malinaw, we both have strong feelings for each other and right now po kasi, nagwo-work kami. Ang opportunities, patuloy ng patuloy, so ang hirap po kasing unahin ang nararamdaman namin ngayon.
“We’re trying to be more responsible and at the same time, darating po kami roon, eh. ‘Yung opportunities, dumaraan ‘yan.
“Two or three years from now, baka mawala. ‘Yung feelings kami, nandito lang ‘yan, eh. As long as magkasama kami, nagkikita.” Sagot pa ni Julian.
At nang tanungin sila kung paano kung mawala ang nararamdaman para sa isa’t isa? Sagot ni Ella, ”No, kasi staying in love is a choice.”
WISHCOVERY
SINGING COMPETITION
NG WISH 107.5,
INILUNSAD
KAMAKAILAN ay ipinakilala ng Wish 107.5 ang theWishful20 na nakapasok sa kanilang Wishcovery Online Singing Competition na magbubukas sa digital space na magaganap sa Setyembre. Kasabay nito ay ang paglulunsad ng online singing competion na dinaluhan nina Mr. Bong Etorma, VP for Radio, BMPI; Mr. Jay Eusebio, VP for Marketing, BMPI, Teacher Annie Quintos, WISHcovery, Resident Reactor, at Mr. Jungee Marcelo, WISHcovery, Resident Reactor.
Mr. Bong Etorma, VP for Radio, BMPI; Mr. Jay Eusebio, VP for Marketing, BMPI, Teacher Annie Quintos, WISHcovery, Resident Reactor, at Mr. Jungee Marcelo, WISHcovery, Resident Reactor.
The wishful20
Layunin ng Wishcovery na makadiskubre ng magagaling na Filipino Singing Talent na makaka-break sa global music arena. Ang Wish 107.5 ay ang gateway to the world na sumusuporta sa OPM simula pa nang mag-operate ito three years ago.
Ang Wish 107.5 ay nagtungo pa sa iba’t ibang parte ng Pilipinas para makahanap ng mga talented singer. Libo-libo ang nag-audition sa mga lugar na pinuntahan nila. Kasabay nito ay ang on-line search na marami rin ang nagsumite. At pagkaraan ng tatlong buwan, 20 singer ang maingat na pinili para maiangat sa “Live Competition” na tinawag nga nilang TheWishful20.
Ang Wishcovery Online Singing Competition ay iho-host ng Philippines Prince of R&B na si Kris Lawrence. Tutulungan si Kris ng mga tinatawag na Reactors (judges) na binubuo nina singer-songwriter-hit maker Jungee Marcelo, Teacher Annie Quintos ng The CompanY, at ang King of Philippines’ R&B na si Jay-R.
Ang lahat ng Wishful performances ay magaganap sa loob ng nag-iisang Wish Bus. Kapareho rin ito ng mga favorite Wishclusives performances na nangyayari sa bus, kaya ang mga performance na ito ay kapare ng audio at video quality.
Mapanonood ito sa YouTube bilang part ng criteria sa pagdya-judge.
Ang Season 1 ng Wishcovery ay nakalaan sa Original Pilipino Music (OPM) na ang lahat ng kakantahin ng mga Wishful ay local sings, na siyang Wish’s advocacy na dalhin at iangat ang Filipino talent at music sa ibang bansa.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio