ISA nang tropical depression ang low pressure area na naispatan sa Baler, Aurora at tinawag na “Kiko,” ayon sa weather bureau PAGASA nitong Lunes.
Sa 5:00 pm advisory, sinabi ng PAGASA, ang sentro ng tropical depression ay tinatayang 490 kilometers east ng Casiguran, Aurora.
May taglay na lakas ng hangin hanggang 55 kph malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 65 kph, ang tropical depression ay tinatayang kikilos ng west northwest sa bilis na 15 kph.
“Estimated rainfall amount is from moderate to heavy within the 300 km diameter of the Tropical Depression,” ayon sa PAGASA.
Ayon sa weather bureau, maaaring itaas ang tropical cyclone warning signal No. 1 sa Babuyan Group of Islands at sa Northern Cagayan.