Tuesday , December 24 2024

9 patay sa Japanese encephalitis — DoH

UMABOT na sa siyam katao ang binawian ng buhay bunsod ng Japanese encephalitis ngayong taon, pagkompirma ng Department o Health (DoH) kahapon.

Apat sa mga biktima ay mula sa lalawigan ng Pampanga, dalawa mula sa Zambales, habang ang tatlo ay naitala sa Pangasinan, Laguna, at Nueva Ecija.

Ang mga biktima ay kabilang sa 133 pasyenteng na-diagnose na may mosquito-borne disease sa pagitan ng 1 Enero hanggang 26 Agosto 2017, ayon sa DoH.

Sa nasabing bilang, 53 kaso ang naitala sa Central Luzon. Ang Japanese encephalitis ay nakukuha sa kagat ng Culex mosquito. Wala pang lunas para sa nasabing sakit, na ang mga sintomas ay kinabibilangan ng sakit ng ulo, lagnat, pagsusuka at nahihirapang ikilos ang katawan.

Kukulangin sa isang porsiyento nang nakagat ng Culex mosquitoes ang nagkakaroon ng Japanese encephalitis, ayon kay DoH Undersecretary Gerard Bayugo.

Ang mga nakaranas ng mga sintomas ng sakit, gayonpaman, ay haharap sa mortality rate na 20 hanggang 30 porsiyento.

“Hindi lahat ng nalilipatan ng JE na virus ay nagkakaroon ng symptoms o sakit, less than 1 percent lang ang nagde-develop into sickness. Puwedeng nakagat ka andyan ang virus sa iyo, pero pwedeng natalo ng sistema ng katawan mo, but somehow that also gives you a little protection already,” paliwanag ni Bayugo.

“But that 1 percent na nagkakaroon ng problema, abot 30 to 50 percent of them, nagkakaroon ng cognitive malfunction… Ang mortality about 20 to 30 percent ang namamatay doon sa nagkakaroon ng senyales ng JE.”

Sinabi ni Bayugo, ang latest tally ng JE cases ay hindi pa nakaaalarma dahil mababa pa ang death toll. Gayonman, pinayohan niya ang publiko na mag-ingat.

Nakatakdang ipakilala ng DoH ang JE vaccine sa kanilang immunization program sa 2018. Ang bakuna ay commercially available sa kasalukuyan.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *