Saturday , November 16 2024

3 sundalo, 5 Maute patay sa sagupaan (Sa bisperas ng Eid al-Adha)

PATAY ang tatlong sundalo at limang Maute fighters sa sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at ISIS-inspired terror group sa Marawi City sa bisperas ng Eid al-Adha, ayon sa ulat ng military spokesperson, nitong Biyernes.

Dagdag ni Armed Forces spokesperson Brigadier General Restituto Padilla, Jr., 52 sundalo at hindi mabilang na miyembro ng Maute ang sugatan.

“The clashes yesterday (Thursday) have proven to be one of the bloodiest. There were three killed and 52 wounded (on the government side)” ayon kay Padilla.

“Kahapon buong araw, (ito ang) pinaka-mabigat at madugong araw sa mga bakbakan nitong mga nakaraang linggo,” dagdag niya. Aniya, karamihan sa mga sugatan ay napinsala ng pinasabog na improvised explosive device.

Ayon kay Padilla, patuloy ang opensiba ng mga tropa ng gobyerno laban sa teroristang grupo.

“‘Yung offensive natin ay patuloy at ito ang nagiging dahilan ng mga nangyayaring ito,” aniya.

Sinisikap aniya ng kanilang puwersa na i-clear ang nalalabing erya na hawak ng mga rebelde.

Hanggang nitong 31 Agosto, umabot sa 136 sundalo ang napatay sa pakikipagsagupa sa mga rebelde sa Marawi. Habang 620 Maute-ISIS fighters ang napatay.

Sinabi ni Padilla, itinigil ng mga tropa ng gobyerno ang operasyon nitong madaling-araw ng Biyernes bilang respeto sa pagdiriwang ng Eid al-Adha.

“Early this morning prior to the moment for prayers, we momentarily silenced our guns and ceased operations to show respect for today’s observance of Eid al-Adha. The silence was observed for the entirety of the time for prayers,” aniya.

Aniya, makaraan ang sandaling pagtigil, “the operations will continue without any let up.”

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *