INIHAYAG ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albayalde, may ‘security lapses’ ang management ng condominium na pinangyarihan ng amok ng isang lalaki na nagresulta sa pagkamatay ng anim katao at pagkasugat ng iba pa.
Ayon kay Albayalde, ang security personnel ng condominum ay nabigong magresponde agad sa insidente. “Doon sa CCTV area walang nagbabantay sa kanila… walang nagbabantay sa kanila, inamin nila iyon na walang nagbabantay sa CCTV so hindi nila alam,” pahayag ni Albayalde.
“Nalaman lang nila noong may commotion, noong nag-iingay na doon sa labas, at doon lang sila nagpunta o tumawag sa PCP (Police Community Precinct),” dagdag niya.
Ang suspek na kinilalang si Alberto Garan ay nagawa pang makaikot sa 25-story Central Park II Condominium sa Pasay City habang armado ng patalim nitong Martes ng gabi.
Nasukol ng nagrespondeng mga pulis at napatay ang suspek sa ika-22 pa-lapag ng condominium makaraan ang pananaksak sa mga biktima. Kabilang sa mga napatay ni Garan ang kanyang kasintahan na si Emelyn Sagun, 30; dating mamamahayag at editor na si Joel Palacios, 70; Daisery Castillo, 12; Ligaya Dimapilis, 36, at Letecia Ecsiagan, 50.
Ayon sa ilang naninirahan sa condominium, marami nang naganap na insidente sa na-sabing gusali.
ISA-ISANG inilalabas mula sa Central Park 2 Condominium sa Jorge St., Pasay City ang anim na bangkay ng mga biktima kabilang ang amok na si Alberto Garan nitong Martes ng gabi. Napatay ang suspek nang tangkaing lumaban sa mga pulis na sinuyod ang ilang palapag ng condomin-ium bago siya natagpuan. (ERIC JAYSON DREW)
“Marami na hong namamatay dito, health, nakoryente ‘yung bata na eight years-old na hanggang ngayon, may trauma pa,” ayon kay Alicia Mababa, presidente ng Concerned Homeowners Central Park II Condominium. “May nahulog sa elevator dito na namatay. Ganyan din, negligence,” dagdag niya.
Si Police Community Precinct 5 commander, Senior Insp. Edgar Dimaunahan ay sinibak sa puwesto, habang iniim-bestigahan ang kanilang pagresponde sa insidente.
Samantala, wala pang komento hinggil sa insidente ang pamunuan ng condominium.