Friday , April 18 2025

Sanggol dedbol sa umayaw na ospital (Pambayad sa ICU kulang)

BINAWIAN ng buhay ang isang 11-buwan sanggol nitong nakaraang Lunes sa Pagadian City, nang hindi payagang ilagay sa ICU dahil kulang ang pambayad ng pamilya para sa depositong hiningi ng pamunuan ng ospital.

Ayon sa ulat nitong Huwebes, handang magsampa ng reklamo ang ina ng bata laban sa pamunuan ng Pagadian City Mendero Hospital.

Ayon sa ina ng sanggol na si Rebecca Iyas, hangad niya ang hustisya. “Nais kong mabigyan ng hustisya ang anak ko. Ipa-blotter, makasuhan [sila],” aniya.

Aniya, itinakbo niya ang sanggol sa Mendero Hospital tanghali nitong Lunes dahil sa mataas na lagnat. Pinayohan siya ng attending physician ng pediatric ward na ilipat ang bata sa intensive care unit (ICU) upang ma-monitor nang maigi ang sanggol.

Pero ayon sa pamunuan ng ospital, mag-down muna ang pamilya ng P10,000. Nang makakalap ng P10,000 ang ina, hindi pa rin maaaring madala ang bata sa ICU dahil kailangan pa ng karagdagang P10,000 para sa mga aparato na gagamitin, katulad ng oxygen tank at iba pang mga gamit.

Ngunit, namatay ang sanggol kinagabihan nitong Lunes, kung kailan nakalikom na ang pamilya ng karagdagang P10,000.

Hindi natapos sa pagkamatay ng sanggol ang pasakit ng pamilya Iyas. Hindi pumayag ang ospital na ilabas ang labi hangga’t hindi nababayaran nang buo ang mahigit P10,000 hospital bills.

Kalauna’y nabayaran din ang bills gamit ang perang nalikom na pampuno sana sa deposit sa ICU.

“Hindi kami palalabasin, sir, kapag hindi kami makapagbayad ng bill. Temporary nga lang. Philhealth man ‘yung bata. Dapat daw i-full namin ‘yung bayad na mahigit P10k para makauwi kami sa gabing iyon. Ang bitbit kong P10k para sa ICU, ibinayad ko na lang,” pahayag ni Adelaida Iyas, lola ng bata.

Depensa ni Dr. Jaime Navarro, direktor ng ospital, wala sa patakaran ng kanilang pagamutan ang manghingi ng down payment sa mga pasyente, maliban na lamang kung ilalagay ang maysakit sa ICU. “Pero pwede naman itong daanin sa pakiusapan,” dagdag ni Navarro.

Samantala, sinabi ni Dra. Helen Mano, ang attending physician ng sanggol, inirekomenda niyang i-admit sa ICU ang sanggol para matutukan ito.

“Mas maganda kung ilagay siya sa ICU para matutukan. Although at that time, sabi ko sa kanila, kahit ilagay man natin sa ICU, hindi 100 percent na ma-save natin ang bata, but at least, the chance na maka-survive siya kung ma-monitor nang husto, medyo tataas,” pahayag ni Mano.

Nangako ang pamunuan ng ospital na paiimbestigahan ang nangyari. Handa anila silang silang harapin ang ano mang reklamo na maaaring isampa ng pamilya Iyas.

 

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *