Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Emote ni James, ‘di pinalampas ni Tetay

TULAD ng inaasahan, hindi pinalampas ni Kris Aquino ang mga pahayag ni James Yap kaugnay ng nangyayaring setup sa kanila ng anak na si Bimby.

Nakunan kasi ng panig ang sikat na cager nang buksan ang bar nito in partnership with Vice Ganda at Daniel Padilla kamakailan.

Pareho naming nabasa ang emote ng ex-couple. Pareho naman silang may punto. But lest Kris forget, ang panayam na ‘yon kay James ay immediately after ng ‘di pagdalo ni Bimby sa first birthday ng kapatid nito sa ama, si MJ. Ang ulat na ‘yon ni Tito Ricky Lo in his column in Philippine Star ay sinundan ng OA na reaksiyon ng karelasyon ni James, si Michela Cazola.

With James naturally in the event, ano pa ba naman ang dahilan kung bakit siya kukuyugin ng mga reporter na naimbitahan doon kundi ang tungkol kay Bimby? At kung si Bimby ang paksa, could the boy’s mother (Kris) be far behind?

Maaaring sa tingin ni Kris ay ginagamit ni James ang kanilang anak na si Bimby to promote his new business, for sure, hindi ‘yun ang intensiyon ng cager. Ang sa kanya lang ay para ipagdiinan ang napagkasunduan nilang visitation rights in court, na mukhang hindi nga nasusunod. Kung nakikita’t nakakasama ba ni James si Bimby ayon sa itinakda ng hukuman, sa tingin n’yo ba’y may mga kiyaw-kiyaw pa ito? For sure, he’d have nothing but praises for Kris dahil sa pagtupad nito sa kanilang agreement.

Ayon pa kay Kris, puwede naming umiwas na lang si James na sagutin ang tanong, saying na hindi ‘yon ang tamang venue para pag-usapan ‘yon.

Ibinabalik namin ang argumento kay Kris, uso rin ba sa kanya ang, ”No comment” answer kapag nagsimula nang rumepe ang bibig niya?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …