Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tambalang Vhong at Lovi, epektibo; WULK, kumita ng P36-M

EFFECTIVE ang tambalang Vhong Navarro at Lovi Poe dahil sa limang araw ng pagpapalabas ng unang tambalan nilang Woke Up Like This ay kumita ng P36-M.

Maituturing ngang big hit itong family comedy for all ages na handog ng Regal Entertainment nina Mother Lily at Roselle Monteverde. Muli, pinatunayan nilang nais pampamilya ang inihahandog nilang pelikula.

Garantisadong 100 percent ang non-stop entertainment offering na idinirehe ni Joel Ferrer kaya naman sa bawat theater tour ni Vhong tulad noong Sabado sa Trinoma, talaga namang dinumog siya.

Unang comedy film ito ni Lovi pero naitawid niya ang pagpapatawa. Tawag nga sa kanya ng writer ng movie, ay LPJ o Lovi Poe Jr., kasi naman natural comedian din ang ama niyang si Fernando Poe Jr., bukod pa sa pagiging Action King nito. At si Vhong, wala ng duda sa husay niyang magpatawa dahil talaga namang gugulong ang sino mang manonood sa kanya.

Kaya kung gustong ninyong sumaya, watch na ng Woke Up Like This na palabas pa sa mga sinehan. Hindi lang kayo sasaya, tiyak may makukuha rin kayong aral na kikintal sa inyong mga puso.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …