PUMALAG si Raquel Pempengco sa image na ginawa sa kanya ng Maalaala Mo Kaya base sa confession ni Jake Zyrus.
Sang-ayon kay Raquel, “Charice has to look for a guinea pig para mapagtakpan ang kamalian niya. Isisi niya sa iba para siya ang lalabas na matino at siya ang biktima.”
Ipinakita sa MMK ang supposedly ay tunay na buhay ni Charice Pempengco na ngayon ay nagpipilit na makilala sa bago niyang alias na Jake Zyrus.
Convincing ang delineation ni Dina Bonnevie sa role ni Raquel.
Mai-imagine mong ganoon nga sigurong magsalita si Raquel na may mga kahalong mura ang bawat salita.
Si Mutya Orquia ang batang Charice at bilang adult ay si Sharlene San Pedro naman ang gumanap.
Mataray na ina si Raquel sang-ayon sa salaysay ni Charice na kapani-paniwala namang talaga.
Na-shock si Raquel nang buong pagpapakatotoong sinabi ni Charice na winaldas lang ng kanyang ina ang kanyang earnings bilang isang international singer. It even came to a point when Raquel was not paying for their electric bills at kahit ang mga ari-arian nila ay hindi raw binabayaran ang buwis. What hurts the most, ang hindi raw pagtanggap nito (Raquel) sa lesbian tendencies ni Charice.
Anyway, sa interview namin kay Raquel through text messaging right after maipalabas ang MMK episode ng kanyang anak na buong galita niyang tinawag na singungaling daw ang kanyang anak.
Totoo naman kaya?
Puro kasinungalingan daw ang ginawa nito at pinalabas raw siyang masama.
“Basta ako, taas-noo akong maglalakad sa kalsada nang buo ang tiwala ko na nagampanan ko ang aking pagiging ina nang maayos.”
Sinabi ni Raquel na isinisisi raw niya ang kanyang mga pagkakamali sa iba para lumabas na siya ang matino at biktima.
Pinagkadiin-diin pa niyang kailangan daw ni Charice ang ‘pyschologist.’
Pschiatrist kaya ang ibig niyang sabihin?
‘Yun nah!
ENRIQUE GIL
SAYS LIZA SOBERANO
DESERVES
HIS PRICEY GIFTS
Liza Soberano favors simple things, but Enrique Gil keeps on giving her expensive gifts.
Why is that so?
“Because… she deserves it,” he enthused.
Magmula sa kanilang Forevermore days, palagi nang sina-shower ni Enrique ng mamahaling gift si Liza sa bawat okasyon.
Naging tradisyon na sa kanila ang magbigay ng regalo sa isa’t isa.
‘Yun nga lang, mahilig si Enrique sa mga mamahaling regalo dahil deserved naman daw ito ni Liza.
Noong 19th birthday ni Liza last January, bi-nigyan ‘lang naman’ siya ng Chanel Boy Flap bag.
So far, ang mga naibigay na ni Enrique kay Liza ay ang mga sumusunod – blue Hermes bracelet, a gold necklace from Tiffany’s, a pair of Versace high-top trainers, and a pet dog. Pero sabi ni Enrique, mas gusto raw ni Liza ang mga simpleng bagay kaya hirap siyang mag-isip.
The love team expounded on their way of giving gifts, and both agreed they had to be something “useful.”
Ang gusto raw ni Liza ay mga bagay na magpapaalala ng magagandang bagay.
Sinabi rin niya giving a gift to Enrique is not that hard since she knows him pretty well.
Lately, niregalohan ng Tinsel Town’s new Darna si Enrique ng stormtrooper from Star Wars.
“I got him a stormtrooper, which would remind him of his father because his father likes Star Wars.”
In return, the actor said Liza’s gifts will be prominently displayed in his new home.
“When I transfer to my next home,” he articulated, “I want to display all my stuff there.”
SOLENN HEUSSAFF,
NICO BOLZICO
TUMUTULONG KAY WIL
DASOVICH SA KANYANG
SAKIT NA CANCER
Dinamayan ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico ang kanilang kaibigang si Wil Dasovich na diagnosed with a cancer ailment kamakailan.
Nalaman ng mga tao sa kanyang video blog na ang dahilan daw ng kanyang internal bleeding while he was still here in the Philippines ay dahil sa sakit na cancer.
Hindi ini-specify ni Wil kung anong klaseng cancer ang nakita ng mga doctor sa America sa kanya but he said that he would continue to update his friends and followers sa developments sa kanyang buhay.
Isa raw sa goal ni Wil ay makakuha ng one million YouTube subscribers at tutulungan siya ng mag-asawang Solenn at Nico sa goal niyang ito.
Kaya naman sa mga recent posts nina Solenn at Nico ay may hashtag silang #1MforWil.
Anyway, isang model at TV personality si Wil sa San Francisco, California. He’s got an American father and a Pinay mom.
He came to the Philippines wayback in the year 2013 and decided to stay longer so as to be able to trace his Filipino roots.
Wil grew up in a white neighborhood that is why his goal is not to leave the country until he is able to speak the language fluently.
Naa-amuse rin ang kanyang followers sa kanyang eloquence sa gay lingo na kung tawagin niya ay “bekinese.”
Prior to his being a Pinoy Big Brother: Lucky 7 housemate wayback in the year 2016, he was able to guest in some Kapuso shows like Dangwa and Dear Uge.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.