NAIUWI ng pelikulang Die Beautiful ni direk Jun Lana ang pinakamaraming awards sa katatapos na 2017 Luna Awards ng Film Academy of the Philippines na ginanap sa Resorts World Manila.
Itinanghal na Best Picture ang Die Beautiful ni Lana na entry sa nakaraang Metro Manila Film Fest at nakuha rin nila ang Best Direction, Best Screenplay, Best Editing, at ang Best Supporting Actor para kay Christian Bables.
Si Hasmine Kilip naman ang nagwagi bilang Best Actress para sa pelikulang Pamilya Ordinaryo samantala si Bembol Roco ang Best Actor para sa pelikulang Pauwi Na.
Si Chai Fonacier naman ang nakapag-uwi ng tropeo sa pagka-Best Supporting Actress para sa pelikulang Patay na si Hesus.
Marami ring award ang nakuha ng Ignacio de Loyola kabilang dito ang Best Cinematography—Lee Briones-Meily; Best Production Design—Leo Velasco Jr.; Best Musical Score—Ryan Cayabyab; at Best Sound—Albert Michael Idioma.
Binigyan naman ng Golden Reel Award si Manoy Eddie Garcia;samantalang ang Fernando Poe Jr. Lifetime Achievement Awardee ay si Herbert Bautista; Manuel de Leon Award for Exemplary Achievements—Production Designer sina Des Bautista at Bibsy Carballo; Lamberto Avellana Memorial posthumous Award sina Director Mario OHara at Lolita Rodriguez; at Awards of Appreciation sina Director Lav Diaz at Charo Santos.
KORINA SANCHEZ-ROXAS,
NEWEST AMBASSADOR
NG RDL’S PLANTCENTA SOAP
AMINADO si Ms. Korina Sanchez-Roxas na hindi agad-agad siya nag-eendoso ng produkto. Ito ang nilinaw ng veteran news anchor sa paglulunsad sa kanya bilang pinakabagong endorser ng RDL Pharmaceutical beauty product.
Aniya, ”This is the first endorsement that I’m gonna do in my career. Right now I’m on leave from news. So I asked permission from ABS-CBN if I could start endorsing because in all the years that I’ve been working as a journalist I don’t really endorse, I don’t really do that.”
Sa isinagawang launching kay Ms. Korina, mismong ang RDL Pharmaceutical VP for Operations na si Ms. Mercedita Lim ang nagpakilala sa kanya at naghayag sa pagpayag ni Korina na maging endorser ng RDL beauty product.
“And I have to be very discerning about the brands that I endorse, and when this offer came along I had to use the product, and I do believe not only in the product, but in the long-standing reputation of RDL,” ani Sanchez.
Sa presscon, ibinahagi ni Sanchez kung paano niya napapanatili ang pagkakaroon ng young-looking skin bagamat laging on the go bilang journalist sa lahat ng oras.
“Aside from using of course the plantcenta soap, I try to sleep eight hours a day. I have to moisturize which I never did before. That’s it! And I drink a lot of water.”
Samantala, pinalawak pa ng RDL company ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng pagbubukas ng isang traveling industry, ang RAMS Travel Agency na ang ambassador nito ay sina Ms. Isabelle Lovelie Duterte at Albert Martinez.
Bukas na rin ang RAMS travel agency para mag-accommodate ng domestic at international ticketing, international at domestic tour packages, itinerary planning, at passport processing.
Nagbibigay serbisyo rin ang RAMS Travel Agency ng Visa processing at Visa extension, hotel bookings, resort tour packages, travel at accident insurance, at iba pang pangangailangan sa pagta-travel.
Ang model at upcoming teen showbiz personality na si Iven Lim naman ang nag-eendoso ng RAMS Travel Agency para sa kanyang personal use kapag nagtutungo sa ibang lugar sa Pilipinas at ibang bansa.
Bukod sa D’Leonor Hotel, matatagpuan din ang RAMS Travel Agency sa Grass Towers condominium sa tabi ng SM North Edsa, LDL Building sa Diversion Road, at D’Leonor Inland Resort and Adventure Park, Communal Davao City.
TAMBALANG VHONG
AT LOVI, EPEKTIBO;
WULK, KUMITA NG P36-M
EFFECTIVE ang tambalang Vhong Navarro at Lovi Poe dahil sa limang araw ng pagpapalabas ng unang tambalan nilang Woke Up Like This ay kumita ng P36-M.
Maituturing ngang big hit itong family comedy for all ages na handog ng Regal Entertainment nina Mother Lily at Roselle Monteverde. Muli, pinatunayan nilang nais pampamilya ang inihahandog nilang pelikula.
Garantisadong 100 percent ang non-stop entertainment offering na idinirehe ni Joel Ferrer kaya naman sa bawat theater tour ni Vhong tulad noong Sabado sa Trinoma, talaga namang dinumog siya.
Unang comedy film ito ni Lovi pero naitawid niya ang pagpapatawa. Tawag nga sa kanya ng writer ng movie, ay LPJ o Lovi Poe Jr., kasi naman natural comedian din ang ama niyang si Fernando Poe Jr., bukod pa sa pagiging Action King nito.
At si Vhong, wala ng duda sa husay niyang magpatawa dahil talaga namang gugulong ang sino mang manonood sa kanya.
Kaya kung gustong ninyong sumaya, watch na ng Woke Up Like This na palabas pa sa mga sinehan. Hindi lang kayo sasaya, tiyak may makukuha rin kayong aral na kikintal sa inyong mga puso.