Ms. & Mr. BPO Mentors — Jun Macasaet, Jonathan Yabut, Jennifer Hammond, Ruby Manalac at Mauro Lumba
ISA na namang bagong beauty contest ang matutunghayan ng Pilipinas na hindi lamang pagandahan ang labanan kundi pati patalinuhan at galing sa diskarte, ito ang Mr. & Ms. BPO na inilunsad kamakailan ng Royale Chimes Concert & Events, Inc..
Alam naman natin kung gaano kahilig at ka-supportive ang Pinoy pagdating sa beauty pageants. Kaya tiyak na isa ang Mr. & Ms. BPO sa tatangkilikin ng madla bilang pagbibigay-halaga na rin sa isa sa pinakamaunlad na industriya ng bansa, ang BPO o Business Process Outsourcing community.
Ayon sa Royal Chimes, ang timpalak na ito ay isang paraan ng BPO para lalo pang mapalawig ang BPO community na sinimulang itayo ang kauna-unahang contact center noong 1992. At sa dalawang dekada kinilala na ang Pilipinas bilang BPO capital of the world. Layunin din ngMr. & Ms. BPO na i-promote ang excellence, leadership, at camaraderie na ilan lang sa mga katangian na makikita sa BPO workplace.
Dagdag pa ng Royal Chimes, ito ang pinakabagong beauty pageant with a cause and with a twist.
Bale ang tatanghaling Mr. & Ms. BPO ang magiging ambassadors ng mga tinatawag na ring bagong bayani ng bayan.
Sa Mr. & Ms. BPO, mayroong mentor na siyang pipili para makasama sa grand final. Sila ang magte-train sa mga candidate mula sa tamang posture, paglalakad, pagrampa, pagdadamit, at pagsagot sa mga tanong under pressure.
At kabilang sa mga mentor na ipinakilala noong presscon ay sina Jennifer Hammond, Binibining Pilipinas Intercontinental 2016; Jonathan Yabut, The Apprentice Asia winner; Jun Macasaet, Manhunt International 2012; Ruby Manalac, Emotional Intelligence expert; at Mauro Lumba, 2014 Century Tuna Superbods 2014 at fitness enthusiast.
Para sa mga interesadong BPO agents, tumatanggap na ng mga applicant ang Mr. & Ms. BPO organizers, kailangan lamang na ikaw ay 18 hanggang 26 years old, single, Filipino citizen o may dugong Pinoy, at least 5’43 ang tangkad para sa mga babae at 5’63 naman para sa mga lalaki. Kailangan ding may maganda at fit na katawan, pleasing personality at good moral character. At siyempre kailangang ikaw ay regular employee ng ng isang BPO company at residente ng Pilipinas.
Para mag-register at makasali, bisitahin ang (website) www.mrandmsbpo.com at i-download ang application form. Para sa iba pang detalye magtungo lang sa social media accounts ng Mr. & Ms. BPO: Facebook page (MrandMsBPOofficial) Instagram (mrandmsbpoofficial), at Twitter (@MrandMsBPO). For inquiries tumawag sa hotline sa 0977-3846984.
Gaganapin ang Mr. & Ms. BPO coronation night sa Nobyembre 21 sa Mall of Asia Arena.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio