DAHIL nakukulele na raw ang isang showbiz gay sa pangungutang sa kanya ng isang dating male star, sinabihan niya iyon na kailangang makipag-date sa kanya kung gustong mangutang.
Pumayag naman daw agad iyon pero ang hinihinging presyo, akala mo superstar siya. Deadma ang showbiz gay. Tapos nag-text daw ulit ang dating male star, payag na siya kahit na 20% na lang niyong hinihingi niyang una. Deadma pa rin ang showbiz gay. Tapos, balik na naman ang male star, puwede daw bang utang na lang.
(Ed de Leon)