Saturday , November 16 2024

Testigo sa Kian slay, kukunin ng PAO mula kay Hontiveros

INAAYOS na ng Public Attorney’s Office (PAO) na mabawi mula sa kustodiya ni Senadora Risa Hontiveros ang dalawang menor de edad na testigo sa pagpatay sa 17-anyos na si Kian Loyd Delos Santos.

Sinabi ni PAO chief, Atty. Persida Rueda-Acosta, nakausap ng kanyang opisina ang ina ng mga bata. Nais aniyang mabawi ng ginang ang mga anak dahil kinuha ang dalawa bilang testigo nang walang paalam.

Isang overseas Filipino worker sa Oman ang ina ng mga bata, ayon kay Acosta.

“There is no parental consent sa pagkuha sa lugar nina Kian dun sa dalawang bata,” sabi ng PAO chief.

Kasama aniya ng PAO ang tatlo pang kapatid ng dalawang bata nitong Huwebes para sunduin na sila.

Gayonman, wala pang desisyon mula sa panig ni Hontiveros kung ibibigay sa PAO ang kustodiya ng mga bata.

“Gusto ng mga bata na magkasama-sama kaya iniwan ko muna ‘yung 3 sumusundo… para magkatabi-tabi ng tulog mamayang gabi kasi one week na silang nagkahiwalay,” ani Acosta.

Una nang iginiit Hontiveros na inako niya ang kustodiya ng mga testigo dahil sa hiling ng kanilang pamilya at umano’y banta sa kanilang buhay.

Napatay si Delos Santos nitong 16 Agosto makaraan umanong manlaban sa mga pulis. Taliwas ito sa pahayag ng ilang saksi na nagsabing binugbog ng mga operatiba si Kian, binigyan ng baril, at saka pinagbabaril.

Iginiit ng mga pulis na drug courier ang Grade 11 student para sa kanyang ama at mga tiyuhin. Gayonman, inamin ng mga operatiba sa pagdinig ng Senado nitong Huwebes, na nakompirma lamang nila ang umano’y kaugnayan ni Delos Santos sa ilegal na droga, isang araw makaraan siyang mapatay.

Bukod sa Senado, iniimbestigahan ng Department of Justice, National Police Commission at Commission on Human Rights ang pagkamatay ni Delos Santos.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *