Friday , December 27 2024

Gerald, sobrang pinahahalagahan ang kanyang health at wellness

INIRENEW ng Bargn Pharmaceuticals si Gerald Anderson bilang opisyal na celebrity endorser ng flagship brand nitong CosmoCee dahil napapanatili niya ang magandang pangangatawan at youthful glow sa isang malusog na lifestyle, balanseng diet, at regular na pag-inom ng CosmoCee.

Ang CosmoCee ay ang tanging vitamin C sa merkado na gawa sa Citrus Bioflavionoids, isang kilalang natural source ng vitamin C. Dahil natural ang mga sangkap nito, non-acidic ang CosmoCee kaya naman mas ligtas ito para sa lahat. Pinalalakas din ng CosmoCee ang immune system, na nagbibigay ng ekstrang lakas, vitality, at pagpapanatili ng skin elasticity. Ito ang nais ibigay ng Bargn Pharmaceuticals—mga produktong hitik sa mga natural na component na nasosolusyunan ang maraming pangangailangan. Ang kanilang pangako sa kalusugan at kaayusan ang dahilan kung bakit sila patuloy sa pag-innovate sa larangan ng cosmoceuticals, neutraceuticals, pharmaceuticals, vitamin supplements, at pati na rin ng cosmetics.

Itinatag noong 2006 nina Nino Bautista at John Redentor Gatus Jr., ang Bargn na naging pangunahing integrated neutraceutical, beauty, at vitamin company sa Pilipinas na may malakas na presensiya rin sa 10 iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Ngayong taon, binuksan ng Bargn ang pinakabago at fully integrated manufacturing facility, ang Bargn Laboratories, sa Dasmarinas Technopark na may 6800 sqm. Nais nilang lumikha ng isang pasilidad na kinabibilangan ng pharmaceutical at cosmetics sa susunod na limang taon. Ang Bargn ang manufacturer at distributor ng CosmoSkin, CosmoBody Elite, FiberMaxx, at Cosmo Cee, na layuning maglunsad ng mga bagong produkto kada taon.

Tuwang tuwa si Gatus, sa patuloy na paglaki ng kanilang kompanya, aniya,”Simula pa lamang ang bagong plantang ito para sa marami pang exciting na bagay para sa Bargn. Nais pa naming lumikha ng mas marami pang produkto na tutugunan ang pangangailangan ng nakararami na may natural na sangkap.”

Pangako naman ni Bautista na, ”patuloy kaming lilikha ng mga dekalibreng produkto para maging tapat kami sa vision ng kompanya.”

Ito ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang tiwala ni Gerald sa CosmoCee. Sa kanyang aktibong lifestyle, tuloy-tuloy na biyahe, at late nights sa set, kailangan niyang maging malusog at malakas upang magawa ng maayos ang mga pinagkakaabalahan. Abala siya sa Ikaw Lang Ang Iibigin, ay may planong isa pang pelikula na magpapakita sa pagiging energetic niyang actor.

Bukod dito, nariyan din ang kanyang Gerald Anderson Foundation, na nagbibigay ng tulong sa Philippine Coast Guard K-9 Search and Rescue Unit. Aktibo rin siya sa pagtulong sa Cottolengo Filipino, Inc.—isang institusyon para sa mga bata na mayroong special needs. Ang foundation na ito ay naging malapit sa kanyang puso matapos niyang gawin ang hit TV series na Budoy. Passionate rin si Gerald sa pag-celebrate ng kanyang kaarawan taon-taon kasama ang mga cancer patient ng Cancer Warriors Foundation na nagpapalaganap ng kasiyahan sa mga nagdurusa dahil sa kanilang kondisyon. Ang soft spot naman niya para sa mga sundalo ang dahilan kung bakit nag-organize siya ng isang special screening ngAWOL para sa mga wounded soldier ng Marawi.

Nagagawa ni Gerald ang lahat ng ito by keeping himself fit. Bilang isang triathlete for over a year now, nag-eensayo siya ng apat na oras araw-araw tuwing naghahanda siya para sa mga meet at competition all over the world. Sa katatapos na Ironman sa Cebu na sumali siya sa bike relay, ang kanyang grupo, ang Team DeRosa ay nag-place ng fourth overall. Among his many other athletic endeavors, sumali rin si Gerald has sa Los Angeles 42K marathon noong Marso. Isa rin siyang avid basketball fan at naglaro siya sa Star Magic All-Star Game para sa Blue Team, na nanalo sa laro laban sa Red Team ni Daniel Padilla.

“Para sa akin ang susi rito ay balanse. Dapat balansehin ang oras, diyeta, at ehersisyo. Kaya naman nagpapasalamat ako sa Bargn Pharmaceuticals, because CosmoCee is really helping me maintain overall wellness and health so that I can do all the things I love,” sambit ng actor na na umiinom ng CosmoCee dalawang beses sa isang araw.

Muling ini-renew si Gerald dahil ayon kay Bautista, ”Gerald is the perfect embodiment of one of our best-selling brands, CosmoCee. I think, among the roster of great young actors in the industry today, Gerald is one of the few who really value total, holistic health and wellness. It’s very evident in the way he makes time for fitness even with his busy schedule.”

 

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *