Saturday , November 16 2024

Drug war ‘quota’ itinanggi ng NCRPO

ITINANGGI ng hepe ng National Capital Region Police Office ang alegasyong binigyan ang mga pulis ng “quota” sa pagpapatupad ng ‘war on drugs.’

Ang alegasyon ay makaraan mapatay ang 17-anyos na si Kian Loyd Delos Santos, at sa biglang pagtaas ng bilang ng mga namamatay sa anti-narcotics operation sa Bulacan at sa Maynila.

Umabot sa 80 katao ang napatay sa loob lamang ng tatlong araw ng anti-drug operations nitong nakaraang linggo.

“The quota was never there. In fairness to our president he never gave us any quota,” pahayag ni National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde.

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang kanyang gob-yerno ay handang magpatupad nang marami pang pagpatay sa lehitimong police, “if this will reduce what ails the country.”

“Makapatay lang tayo ng another 32 everyday then maybe we can reduce what ails this country,” aniya.

“It’s really a problem. It takes a toll on the lives of the people, whether you are victim or criminal. Walang katapusan ito,” dagdag ng Pangulo.

Nitong Miyerkoles, sinabi ng Pangulo, ang ‘war on drugs’ ay hindi ititigil, ngunit binalaan ang mga pulis na ang kanilang tungkulin ay mag-aresto ng mga suspek at maaari lamang pumatay kung nasa panganib ang kanilang buhay.

“You are not allowed to kill a person that is kneeling down begging for his life. That is murder,” pahayag ni Duterte.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *