ANG low pressure area na namataan sa silangang bahagi ng Catanduanes ay naging tropical depression “Jolina,” ayon sa state weather bureau PAGASA, nitong Huwebes.
Nakataas ang signal no. 1 sa Southern Cagayan, Isabela, at Northern Aurora.
Sinabi ng PAGASA, maaari rin itaas sa signal no.1 ang Quirino, Ifugao, Mt. Province, Kalinga at Northern Cagayan.
Ayon sa state weather bureau, ang bagyong Jolina ay inaasahang lalakas bago mag-land-fall sa Northern Luzon dakong gabi ngayong Biyenes o sa umaga ng Sabado.
Ang sentro ng bagyo ay nasa 540 kilometers east ng Casiguran Aurora, ayon sa PAGASA sa 5:00 pm forecast.
Ang bagyo ay may lakas ng hangin hanggang 45 kilometers per hour near malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 60 kilometers per hour.
Ito ay kumikilos ng west northwest sa 17 kilometers per hour.