UMABOT sa 113 hinihinalang sangkot sa droga ang namatay habang 1,324 ang arestado ng pulisya sa pinalakas na police operation kontra sa illegal drugs sa ilalim ng Oplan Double Barrel Reloaded sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) mula 19 Hunyo hanggang 14 Agosto 2017.
Sa report mula kay SPO4 Edgardo Magnaye ng Northern Police District (NPD) Tactical Operation Center, sa Caloocan City ay umabot sa 85 drug suspects ang namatay sa police encounter habang 690 arestado ang sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).
Base sa ipinakitang report ni Magnaye, karamihan sa police encounters ay nangyari sa Brgy.186 Tala, na 23 drug suspect ang napatay ng mga operatiba ng Police Community Precinct (PCP) 4, habang 22 ang na-neutralized ng PCP-3 sa Brgy. 176 Bagong Silang.
Sa Valenzuela City, uma-bot sa 11 drug suspect ang namatay sa encounter, lima sa mga ito ay sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa anti-drug o buy-bust operation, habang nasa 241 ang arestado.
Sa Navotas City, anim hinihinalang drug suspect ang namatay sa police encounter ng mga operatiba ng SDEU habang isang umano’y drug pusher ang napatay ng Intelligence Branch, at u-mabot sa 151 ang arestado sa anti-drug operation.
Samantala, sa record ng Malabon City police, dalawa ang namatay sa anti-drug operation, habang 163 ang arestado.
Sa record ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) at District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD), umabot sa 9 drug suspect ang namatay sa drug operation sa iba’t ibang lugar sa CAMANAVA area, habang nasa 86 ang arestado. (ROMMEL SALES)