Saturday , November 16 2024

Davao property kay Alvarez o kay PIATCo king Jeffrey Cheng?

MISTERYO sa mga residente at mga opisyal ng lungsod ng Davao kung sino ang tunay na may-ari ng isang malaking lupa sa Diversion Road (Carlos P. Garcia Highway) Shrine Hills, Matina, na kasalukuyang pinata-tayuan ng bakod nang walang kaukulang permiso mula sa pamahalaang lungsod.

Ipinag-utos ng Davao City engineer’s office (CEO) ang pagpapatigil ng konstruksyon ng bakod sa naturang lupain na iniuugnay kay House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon sa ilang residente, ilang beses namataan sa lugar ang mambabatas at itinuturo ng mga trabahador na siyang may-ari.

Ang pagpapahinto ay kaakibat ng ginagawang pagpapatibay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kurbada sa lugar na natagpuang may mga bitak na naging sanhi ng landslide o pagguho kamakailan na nagpasikip ng trapiko sa lugar.

Ikinabahala ng Mines and Geosciences Bureau, sa kanilang pagbisita ang palaging banta ng pagguho sa lugar sanhi ng lindol, malakas na ulan at malakihang konstruksiyon.

Noong 9 Mayo 2017, sinabing binigyan ng unang notice of violation at tigil trabaho ang natu-rang proyekto at ipina-ngalan sa isang Speaker Alvarez.

Sinabi ni City Engineer chief, Joseph Domi-nic Felizarta na nagpadala siya ng tao mula sa city building office (CBO) para puntahan at inspeksiyonin ang lugar at nalaman na wala itong fencing permit.

Malinaw na paglabag umano sa Section 301 ng National Building Code.

Sa naturang batas, “no person, firm or corporation including any agency or instrumentality of the government shall erect, construct, alter, repair, move, convert, or demolish any building or structure or cause the same to be done without first obtaining a building permit.”

Lumipas ang tatlong linggo, nagpadala muli ang CBO ng second and final notice, na nakapa-ngalan sa Speaker, para kumuha ng building permit sa loob ng limang araw.

Sa muling pagbisita ng CBO, sinabihan sila, hindi na si Alvarez ang may-ari na lupa kundi isang Jeffrey Cheng, ito ay ayon kay Engr. Hilario Fernandez, acting head ng Inspection and Enforcement Division ng Engineers’ office.

Si Jefferson “Jeffrey” Cheng, ayon sa mga ulat, ang may-ari ng Davao Aguilas, ang football team na kumuha kamakailan sa magkapatid na Fil-Brit, Phil at James Younghusband at siya rin ang principal ng kontro-bersiyal na airport project ng Philippine International Air Terminals Co. Inc. (PIATCo), sa panahon ni Alvarez bilang kalihim ng Department of Transportation and Communications (DoTC).

Ang maybahay nitong si Emelita Apostol ay lumabas na isa pala sa may-ari ng Wintrack, ang kontraktor ng PIATCo.

Noong Abril 2016, pinal na iniutos ng Supreme Court na bayaran ng pamahalaan ang PIATCo sa halagang di bababa sa US$510 milyon bilang kabayaran sa pagpapatayo ng maanomalyang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.

Noong Hulyo 2017, nagpadala ang CBO ng isang notice of violation at work stoppage order o ti-gil trabaho, na nakapa-ngalan kay Cheng pero ito ay hindi pinansin hanggang malapit nang matapos ang pagbabakod.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *