Saturday , November 23 2024

Anne, kimi sa pagbabahagi ng impormasyon sa kanilang kasal ni Erwan

HINDI itinanggi ni Anne Curtis kung gaano siya ka-excited ukol sa kanilang kasal ni Erwan Heussaff. Subalit kasabay nito ang paghiling na umaasa siyang mauunawan ng fans at ng publiko ang kagustuhan niyang maging pribado o ang hindi pagbibigay ng impormasyon ukol dito.

Marami nga ang nagtatanong sa kanilang kasal ni Erwan subalit anang dalaga sa launching ng kanyang Dream Machine platform na personal choice nila ang maging tahimik ukol sa plano at paghahandang ginagawa nila sa kanilang kasal.

Pero ipinangako naman ng aktres na pagkatapos ng kanilang vows ay isi-share nila iyon sa kanilang fans at sa publiko.

Samantala, nailunsad na rin sa wakas ni Anne ang kanyang matagal nang pinapangarap na Dream Machine platform.

Ani Anne, nais niyang ibalik ang napakaraming blessings na dumating sa kanya sa pamamagitan ng pagtupad sa mga pangarap o kahilingan.


“Ang dami kasi talagang nangyari sa akin na maganda kaya gusto kong ibalik ‘yun, how to pay it forward, and that’s how this came about. I have always been a dreamer. In my 20 years in showbiz I have worked hard to reach for my dreams. I am blessed to have already achieved most of my dreams and it’s now my turn to be able to be a blessing to others through this. Dream Machine will be a platform wherein people who want to want to pursue their dreams or make their dreams happen can be vocal about it on the website and hopefully we can make these dreams come true for you.”

At bilang Dream Machine founder, hinihikayat ni Anne ang publiko na ilahad ang kanilang pangarap o tumulong ding maisakatuparan ang naisin ng ibang tao.

“Isa po itong passion project para sa akin kasi I’ve reached a point na parang ang dami talagang mga pangarap ko na nagkatotoo so naisip ko paano na ako makakapagbigay na ulit? How can I give back? How can I encourage others? Kaya nabuo ito na Dream Machine where people can go online, they can submit their dreams, and then hopefully we can make them happen for you. So this is open to everyone. Isa siyang machinery where you can either be a chaser of dreams or a dream maker. Kung gusto mo mag-volunteer, puwede ka mag-donate din. Wala kaming pinipili na edad, gender, or where you are in life. It is open to everyone,” paliwanag pa ng aktres.

Igiit pa ni Anne na personal sa kanya ng proyektong ito. “Kasi parang isa akong dreamer dati na nadi-dream shame rin ako, sarili ko ring naiisip na parang hindi ko kayang abutin ‘yung mga pangarap na ‘yun. So I changed my way of thinking and I thought to myself, ‘I will make my dreams come true.’ And here I am today standing in front of all of you na thinking, ‘Okay I’ve reached my dreams. How can I give back?’ Gusto ko i-encourage ‘yung mga taong hindi naniniwala na puwede mangyari ‘yung mga pangarap nila. And there’s a whole team of people who are willing to help you,” sambit pa niya.

May tatlong category ng pangarap ang nais suportahan ng Dream Machine, ito ay ang youth, education, at empowerment. “Before the school year started, we were approached by the General Roxas Elementary School in Quezon City for support in their school renovation. Dream Machine was very happy to help and we are hoping that the renovation will inspire the students to study better,” pagbabahagi pa ni Anne.

At para simulan ito, isang Color Run ang isasagawa ng Dream machine to empower the dreams of disabled children na nasa pangangalaga ng UNICEF. Dalawang taon ng ambassador ng UNICEF si Anne.

“Proceeds of the Dream Machine Color Run will all go to the children with disabilities being taken care of by UNICEF. These children are dreamers, too, and you’ll be surprised that some of their dreams are not really for themselves but for their families,” anang aktres.

At kung nais ninyong matupad ang inyong mga pangarap o gustong tumulong, maaari ninyong ipadala ito sa pamamagitan ng kanilang Dream Machine website sa www.dreammachine.ph.

AKSIYON AT KATATAWANAN
MULA KINA RYAN
AT SAMUEL,IPAKIKITA
SA THE HITMAN’S
BODYGUARD

NANG nagkasama sina Ryan Reynolds at Samuel L. Jackson noong 2013 nang ibahagi nila ang kanilang boses sa animated film na Turbo. Ngayon, inaabangan na ang kanilang pagtatambal sa live action-comedy film na The Hitman’s Bodyguard.

Ginagampanan ni Reynolds ang papel ni Michael Bryce, isang Triple A-rated executive protection agent, habang si Jackson naman ay si Darius Kincaid, isa sa pinakamalupit na hired killer na nahuli ng Interpol. Para makalaya ang asawang si Sonia (Salma Hayek) sa bilangguan, nakipagkasundo si Kincaid sa mga awtoridad na maging star witness laban sa diktador na si Vladislav Dukhovich (Gary Oldman).

Iniutos ni Dukhovich na i-ambush si Kincaid at ang mga pulis, ngunit naitakas pa rin ng Interpol Agent na si Amelia Roussel (Elodie Yung) ang kanilang star witness at dinala kay Bryce. Sa loob ng 24 oras, kailangang madala ni Bryce si Kincaid sa Hauge na roon ginaganap ang paglilitis. Hindi maitago ng dalawa ang pagkamuhi sa isa’t isa, ngunit kailangan nilang magtulungan para labanan ang ‘di mabilang na mga taong tumutugis sa kanila.

Ani Reynolds, gusto niya ang “bromance” na namamagitan kina Bryce at Kincaid at ang ilang elemento ng love story sa action movie na ito. “I love the bond between Bryce and Kincaid. These two guys couldn’t be more polarized but as we move through the story they start to acquire begrudging love and respect for each other. There’s a bromance and several love stories all wrapped up in this incredible, crazy action story.”

Bukod sa comedy, ipinagmamalaki rin ng pelikula ang mga rumaragasang sasakyan, makapigil-hiningang stunts at iba pang effects. Pinuri ni Reynolds si Patrick Hughes bilang direktor dahil sa paggawa nito ng incredible action sequences na nakae-entertain at hindi “dark” ang dating.

Unang naging direktor si Hughes sa star-studded action blockbuster na The Expendables 3.

Bukod sa umaatikabong bakbakan sa lansangan ng Europa, inamin ni Jackson na tinanggap niya ang pelikula dahil sa pagkakataong makatrabaho ang kaibigan niyang si Hayek.

Itinuturing naman ni Hayek ang kanyang fight scene sa bar bilang pinakamalaking hamon sa kanya. Bugbog ang kanyang pakiramdam matapos kunan ang eksena, ngunit masaya siya na sa edad na 49, kaya niya pa ring gawin ang lahat ng stunts.

Tulad ng aktres, ginawa rin nina Reynolds at Jackson ang karamihan sa kanilang stunts.

Palabas na ang The Hitman’s Bodyguard sa mga sinehan simula August 23, handog ng VIVA International Pictures at MVP Entertainment.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *