Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aksiyon at katatawanan mula kina Ryan at Samuel, ipakikita sa The Hitman’s Bodyguard

NANG nagkasama sina Ryan Reynolds at Samuel L. Jackson noong 2013 nang ibahagi nila ang kanilang boses sa animated film na Turbo. Ngayon, inaabangan na ang kanilang pagtatambal sa live action-comedy film na The Hitman’s Bodyguard.

Ginagampanan ni Reynolds ang papel ni Michael Bryce, isang Triple A-rated executive protection agent, habang si Jackson naman ay si Darius Kincaid, isa sa pinakamalupit na hired killer na nahuli ng Interpol. Para makalaya ang asawang si Sonia (Salma Hayek) sa bilangguan, nakipagkasundo si Kincaid sa mga awtoridad na maging star witness laban sa diktador na si Vladislav Dukhovich (Gary Oldman).

Iniutos ni Dukhovich na i-ambush si Kincaid at ang mga pulis, ngunit naitakas pa rin ng Interpol Agent na si Amelia Roussel (Elodie Yung) ang kanilang star witness at dinala kay Bryce. Sa loob ng 24 oras, kailangang madala ni Bryce si Kincaid sa Hauge na roon ginaganap ang paglilitis. Hindi maitago ng dalawa ang pagkamuhi sa isa’t isa, ngunit kailangan nilang magtulungan para labanan ang ‘di mabilang na mga taong tumutugis sa kanila.

Ani Reynolds, gusto niya ang “bromance” na namamagitan kina Bryce at Kincaid at ang ilang elemento ng love story sa action movie na ito. “I love the bond between Bryce and Kincaid. These two guys couldn’t be more polarized but as we move through the story they start to acquire begrudging love and respect for each other. There’s a bromance and several love stories all wrapped up in this incredible, crazy action story.”

Bukod sa comedy, ipinagmamalaki rin ng pelikula ang mga rumaragasang sasakyan, makapigil-hiningang stunts at iba pang effects. Pinuri ni Reynolds si Patrick Hughes bilang direktor dahil sa paggawa nito ng incredible action sequences na nakae-entertain at hindi “dark” ang dating.

Unang naging direktor si Hughes sa star-studded action blockbuster na The Expendables 3.

Bukod sa umaatikabong bakbakan sa lansangan ng Europa, inamin ni Jackson na tinanggap niya ang pelikula dahil sa pagkakataong makatrabaho ang kaibigan niyang si Hayek.

Itinuturing naman ni Hayek ang kanyang fight scene sa bar bilang pinakamalaking hamon sa kanya. Bugbog ang kanyang pakiramdam matapos kunan ang eksena, ngunit masaya siya na sa edad na 49, kaya niya pa ring gawin ang lahat ng stunts.

Tulad ng aktres, ginawa rin nina Reynolds at Jackson ang karamihan sa kanilang stunts.

Palabas na ang The Hitman’s Bodyguard sa mga sinehan simula August 23, handog ng VIVA International Pictures at MVP Entertainment.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …